Lalakeng nagwala nang sitahin dahil sa traffic violation, anak ng dating TV host at pulitiko: "Hindi n’yo ba kilala ang tatay ko?"

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2021
Nahaharap sa mga kasong direct assault, alarms and scandal, resistance and disobedience to a person in authority or agents si Franz Luke Sioson Orbos dahil sa pagwawala nito sa may Muntinlupa noong Miyerkules, July 14. Ipinangalandakan ng akusado na ang ama ay ang dating TV host at governor ng Pangasinan na si Oscar Orbos.
PHOTO/S: Philippine National Police

Sinasabing anak ni ex-Pangasinan governor at former TV personality Oscar Orbos si Franz Luke Sioson Orbos, ang lalakeng nakunan ng video habang nagwawala noong Miyerkules, July 14.

Ito ay matapos sitahin ng traffic enforcer ang wala sa lugar na pagpaparada ni Franz sa kanyang sasakya na nakaapekto sa daloy ng trapiko sa may Susana Heights Road, Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Viral na ngayon ang videong pagwawala, pagmumura, at pang-iinsulto ni Franz sa traffic enforcer at sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagtangkang kausapin at pakalmahin siya.

Mahigit sa apat na minuto ang haba ng video na matibay na ebidensiya laban kay Franz, na paulit-ulit na minura at hinamon ng away ang mga pulis.

Sabi ni Franz sa mga pulis: “Bakit mo ako titiketan? Ano ang ginawa ko? Hindi n’yo ba ako kilala? Hindi n’yo ba kilala ang tatay ko?

“Kilala mo ang tatay ko? Bakit n’yo ako ginaganito? Pu....a kayo, ginagago n'yo ako. Feeling n’yo takot ako sa inyo?”

Continue reading below ↓

Natapos ang confrontation scene nang magtulung-tulong ang mga pulis na arestuhin at lagyan ng posas ang nagpupumiglas at lasing na si Franz.

Direct assault, alarms and scandal, resistance and disobedience to a person in authority or agents ang mga kasong isinampa laban kay Franz.

Hindi na kailangang ipangalandakan ni Franz kung sino ang kanyang ama.

Continue reading below ↓

Siya na mismo ang sumagot nito nang ilagay niya sa kahihiyan ang former governor at host ng defunct television show na Debate with Mare & Pare ng GMA-7.

Hindi lamang ang pangalan ni Oscar Orbos ang nadawit sa eskandalo na ginawa ng kanyang anak.

Nababanggit din ang mga pangalan nina Fr. Jerry Orbos at dating MMDA General Manager Thomas Orbos dahil pamangkin nila ang akusado.

ELEAZAR ON FRANZ'S VIRAL VIDEO

Napanood ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang viral video ni Franz.

Ngayong umaga, July 16, pinuri ni Eleazar ang mga miyembro ng PNP na pinairal ang maximum tolerance nang mangyari ang meltdown ni Orbos noong Miyerkules.

Pahayag ng PNP chief, “Napanood ko na ang viral video ng isang nagwalang motorista sa Muntinlupa, at pinupuri ko ang mga pulis na nasa video sa pagpapakita ng tunay na kahulugan ng maximum tolerance.

“Parang telenovela lang ‘yan, pero ganitong klase ng sitwasyon ang laging hinaharap ng inyong kapulisan sa mga lansangan.

Continue reading below ↓

“Mga tao na hindi marunong rumespeto sa batas dahil pakiramdam nila ay hindi sila sakop ng batas."

Dagdag ni Eleazar, “Ang angkang pinagmulan at estado sa buhay ay hindi dapat gamitin upang bastusin ang batas at apakan ang karapatan ng iba, that is why I salute those policemen for showing who the better persons are.

“Kapag binastos mo ang batas at ang mga nagpapatupad nito, sisiguraduhin namin na mananagot ka kahit sino ka man at kung sino man ang tatay mo dahil naniniwala ako na walang matinong magulang ang magkukunsinti sa ganitong klase ng asal ng mga anak.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahaharap sa mga kasong direct assault, alarms and scandal, resistance and disobedience to a person in authority or agents si Franz Luke Sioson Orbos dahil sa pagwawala nito sa may Muntinlupa noong Miyerkules, July 14. Ipinangalandakan ng akusado na ang ama ay ang dating TV host at governor ng Pangasinan na si Oscar Orbos.
PHOTO/S: Philippine National Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results