Alessandra de Rossi, pinatunayang may karapatang magdirek via My Amanda

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2021
Alessandra de Rossi's directorial debut My Amanda, in which she stars opposite Piolo Pacual, is now streaming on Netflix. Aside from being the director and lead actress, Alessandra is also the co-producer and writer of the film.

Hindi lamang bida ng My Amanda si Alessandra de Rossi. Siya rin ang producer, direktor, at sumulat ng kuwento ng pelikula nila ni Piolo Pascual na nagsimula ang streaming sa Netflix kahapon, July 15.

Ang My Amanda ang directorial debut ni Alessandra.

Pinatunayan ng aktres na may karapatan siyang maging movie director dahil sa mga magagandang eksena, shot, at location ng pelikula.

Ikinukumpara ang My Amanda sa Through Night and Day, ang 2018 movie nila ni Paolo Contis na tumanggap ng mga papuri nang ipalabas sa Netflix noong nakaraang taon.

Magkaibang-magkaiba ang kuwento ng dalawang pelikula. Pero nagkaroon ng comparison dahil ginamit ni Alessandra sa mga eksena ng My Amanda ang "Through The Fire," ang 1984 hit song ni Chaka Khan.

Hindi ito nalalayo sa paggamit sa "I Will Be Here" sa mga dramatic scene ng Through Night and Day.

Parehong beautifully photographed at mahusay sina Piolo at Alessandra sa mga karakter na ginampanan nila sa My Amanda, kaya hindi imposibleng magkaroon sila ng acting nominations sa kanilang pagganap.

Continue reading below ↓

Kung may napansin man kaming pagkakamali, ito ay ang maliit na detalye sa eksena ng pagkikita nina Amanda (Alessandra) at TJ (Piolo).

Walang suot na kuwintas ang karakter ni Piolo sa nasabing eksena. Pero sa continuity scene, meron nang nakasabit na kuwintas sa leeg ng aktor habang nag-uusap at nakahiga sila ni Alessandra sa hammock.

Si Noreen Capili ang sumulat ng kuwento ng Through Night and Day.

Mararamdaman ang kanyang partisipasyon sa My Amanda, na may surprise ending, dahil siya ang nagsulat ng mga karagdagang eksena.

Bukod kay Alessandra, executive producers din ng My Amanda si Piolo, ang kaibigan ni Piolo na si Direk Joyce Bernal, at ang mag-asawang Jules Ledesma at Assunta de Rossi, na kapatid ni Alex, ang palayaw ni Alessandra.

Natapos ang shooting ng My Amanda bago naging malala ang coronavirus pandemic sa buong mundo noong nakaraang taon.

Pero hindi mababalewala ang matagal na paghihintay ng manonood dahil sa very impressive directorial debut ni Alessandra.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi's directorial debut My Amanda, in which she stars opposite Piolo Pacual, is now streaming on Netflix. Aside from being the director and lead actress, Alessandra is also the co-producer and writer of the film.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results