YouTube channel na nireklamo ni Francis Pangilinan naglahong parang bula

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2021
Isa sa mga YouTube channels na inireklamo ni Francis Pangilinan dahil sa mga videos nito naglalaman ng mapanira at imbentong balita nito ay deactivated na.

Deactivated na ang Latest Chika, isa sa dalawang YouTube Channel na sinampahan kahapon, July 16, ni Senator Francis Pangilinan ng Cyberlibel complaint sa Cybercrime division ng Department of Justice.

"This channel doesn’t have any content” ang mababasa kapag binisita ang url ng Latest Chika na parang bulang naglaho pagkatapos isampa ni Pangilinan ang reklamo dahil sa fake news na inilabas nito.

Heto ang ilan sa mga claims mapanirang videos na in-upload ng Latest Chika pati na rin ng Starlet:

(1) Sinasaktan raw ni Pangilinan ang asawang si Sharon Cuneta

(2) Nabuntis si Sharon ng Revirginized leading man nito na si Marco Gumabao

Ang Google ang may-ari ng YouTube, sikat na American online video sharing at social-media platform, kaya kasali rin sa mga inireklamo ni Pangilinan ang country manager ng Google Philippines na si Bernadette Nacario.

Ayon pa kay Pangilinan, 82 videos raw ang nireklamo niya dahil sa defamation, pero 28 raw ay "not defamatory," habang 54 videos pa ang nag-aantay ng desisyon.

Continue reading below ↓

YOUTUBE'S PROCESS of taking down videos and terminating channels

Ayon sa YouTube Help tab, kapag may reklamo tungkol sa mapanirang video, maaari itong ireport para mai-take down ito. Kung maraming videos naman ang inirereklamo, puwedeng i-report ito.

Kapag napatunayang nag-violate ang video o channel, mabibigyan muna ito ng warning at makakansela ang moetization para sa video. Per kung nakakuha ang channel ng "3 strikes within 90 days," puwede itong i-terminate.

May "defamation blocking process" rin ang YouTube at ang proseso ay base sa "local legal considerations" ng bansa.

Para mapagbigyan ang defamation blocking request, kelangan raw na "specific and strongly supported" ang reklamo, at mas mapapabilis kung may "court order."

Hindi nag-iisa ang Pangilinan couple sa mga biktima ng mga walang katotohanang balita sa YouTube Channel.

Sa hangaring makakuha ng maraming views at kumita ng mas malaki ang kanilang channel, maraming content creator ang nagpapakalat ng fake news o di kaya ay gumagamit ng mga clickbait headlines.

Continue reading below ↓

Bukod dito, talamak din ang pangongopya ng balita mula sa mga legitimate entertainment news site tulad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang pagsasampa ni Pangilinan ng kaso laban sa mga fake news purveyor ay isang paalaala sa lahat na maging maingat at mapagmasid para hindi sila maging biktima ng lumalala na pagkalat sa Internet ng mga balitang imbento.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga YouTube channels na inireklamo ni Francis Pangilinan dahil sa mga videos nito naglalaman ng mapanira at imbentong balita nito ay deactivated na.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results