Sasali ba si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021?

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2021
Sa huling araw ng screening para sa top 100 ng Miss Universe Philippines 2021, umaasa ang fans ni Kisses Delavin na sasali siya.
PHOTO/S: @kissesdelavin on Instagram

Huling araw ngayon, July 18, 2021, ng Zoom interview ng Miss Universe Philippines Organization para sa mga kababaihang nagnanais na sumali sa Miss Universe Philippines 2021.

Nagsimula ang Zoom interview para sa mga aspiring beauty queens noong July 16 at bukas, July 19, ang announcement ng Top 100 ladies na sasailalim sa virtual challenges mula July 19 hanggang August 30.

Sa September 25 ang coronation night.

Trending ngayong umaga sa Twitter Philippines ang pangalan ng former Pinoy Big Brother: Lucky 7 finalist na si Kisses Delavin dahil hinihikayat siya ng kanyang mga tagahanga na sumali sa Miss Universe Philippines 2021.

Kumbinsido ang supporters ni Kisses na malaki ang tsansa ng kanilang idolo na maging successor ni Rabiya Mateo.

Sa mga hindi nakakaalam, bago naging housemate si Kisses noong July 2016, kinoronahan siyang Miss Masbate at Miss Kaogma noong taong ding iyon. Naging Miss Teen Masbate rin si Kisses noong 2013.

Continue reading below ↓

Si Hannah Arnold ang newly crowned Binibining Pilipinas International at siya ang kinatawan ng Masbate sa Binibining Pilipinas na naganap noong July 11, 2021.

Naniniwala ang fans ni Kisses na kung sasali ito sa Miss Universe Philippines 2021, may pag-asa na magkaroon ng back-to-back win ang kanilang idolo at ang kababayan niyang si Hannah.

Nakipag-ugnayan ngayong umaga ang Cabinet Files kay Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines, at isa sa mga pumipili sa mga possible candidates ng nabanggit na beauty pageant.

"Hindi ko pa siya nakikita,” ang sagot ni Jonas nang itanong namin kung sasali ba si Kisses sa Miss Universe Philippines 2021.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tagahanga ng 22-year-old star, at umaasa silang bago matapos ang maghapon, may surprise announcement si Kisses para sa kanila.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa huling araw ng screening para sa top 100 ng Miss Universe Philippines 2021, umaasa ang fans ni Kisses Delavin na sasali siya.
PHOTO/S: @kissesdelavin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results