KC Concepcion, Piolo Pascual muntik nang magkita sa L.A. resto

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2021
Kasalukuyang nasa Los Angeles, California sina Piolo Pascual at KC Concepcion, ngunit hindi sila magkasama at meron silang kanya-kanyang pakay sa pagpunta roon. (Note: Photos of KC and Piolo were not taken during actual visit to the restaurant)

Spotted sa Los Angeles, California sina Piolo Pascual at Alessandra de Rosi, si KC Concepcion, at si Senator Manny Pacquiao kasama ang asawang si Jinkee.

Puspusan na ang pag-eensayo ni Manny para sa boxing match nila ni Earl Spence Jr. na magaganap sa August 21, 2021 sa Las Vegas, Nevada.

Ibinalita ng Filipino-based entertainment writer at talent manager na si Oliver Carnay na nagpang-abot pero hindi nagkita noong Biyernes, July 16, ang ex-lovers na sina Piolo at KC sa Yamashiro Asian fusion restaurant sa Hollywood Hills, Los Angeles, California.

Dumating si KC sa L.A. three weeks ago.

So far, she has been meeting with friends, “signing deals,” and shopping.

Sa isang post niya sa Instagram, isang follower ang nagsabi na may “mystery guy” siyang kasama. Dagdag ng isa pang follower, “frens at mga katropas cla.”

KC Concepcion

Continue reading below ↓

KC Concepcion

Si Piolo naman ay nasa L.A. doing “legwork” with Netflix para sa pelikula nila ni Alessandra na My Amanda.

So near yet so far sa isa’t isa ang dalawa dahil namalagi si Piolo sa basement ng Yamashiro, samantalang nasa itaas si KC, kasama ang date nito—ang rapper, singer at record producer na si apl.de.ap.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang mag-asawang Manny at Jinkee naman ay namataan sa Yamashiro noong Sabado ng gabi, July 17, habang nangyayari ang show ni BB Gandanghari sa Covina, California.

Ayon kay Oliver, dati nang dinadayo ng mga popular Hollywood celebrities ang Yamashiro na paborito na ring puntahan ng mga Filipino artist dahil kay Chef Vallerie Castillo-Archer.

Continue reading below ↓

Si Chef Vallerie ang kauna-unahang Filipina executive chef ng iconic restaurant, na ginamit na ring location sa mga pelikulang gaya ng Memoirs of A Geisha, Gone in 60 Seconds at The Kentucky Fried Movie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang nasa Los Angeles, California sina Piolo Pascual at KC Concepcion, ngunit hindi sila magkasama at meron silang kanya-kanyang pakay sa pagpunta roon. (Note: Photos of KC and Piolo were not taken during actual visit to the restaurant)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results