Vice Ganda: "Gusto muna naming sumaya, kahit sandali lang"

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2021
Sa kabila ng tuwa't saya hatid ng mga makulay na production numbers sa kanyang Gandemic: The VG-Tal Concert, maluha-luha rin si Vice Ganda habang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa pandemya at iba pang sigalot na hinarap niya at ng mga kapwa Kapamilya noong nakaraang taon. Aniya, “Kung puwede lang sabihin, time out muna. Gusto muna namin sumaya. Baka puwede, kahit sandali lang."

Walang partisipasyon si Ion Perez sa Gandemic Vice Ganda:The VG-Tal Concert ng kanyang partner na si Vice Ganda na napanood kagabi, Linggo, July 17, sa streaming site ng ktx.ph pero ramdam na ramdam ang presence niya nang kantahin ng comedian at It’s Showtime host ang "Mahal Ako ng Mahal Ko."

Si Vice ang sumulat ng lyrics ng "Mahal Ako ng Mahal Ko" na regalo niya kay Ion para sa second anniversary ng kanilang relasyon noong October 2020.

Habang kumakanta si Vice, ipinakita ang mga larawan ng maliligayang araw nila ni Ion.

Hindi lamang si Anne Curtis ang special guest ni Vice sa Gandemic dahil performers din ang kanyang mga kaibigan na sina Negi, Petite, ang Beks Battalion, Hashtags, Ice Seguerra at ang impersonators na sina Krissy Achino at Ate Dick.

Vice Ganda
Hashtags

Continue reading below ↓

Lumitaw ang pagiging fan ni Vice nang ipakanta nito kay Ice ang ilang bahagi ng "Anong Nangyari sa Ating Dalawa," na isa sa kanyang mga paborito at madalas na kantahin sa mga show niya.

Vice Ganda
Ice Seguerra

Tawang-tawa si Vice sa Hashtags member na si Wilbert Ross dahil natanggal at literal na lumipad ang suwelas ng sapatos nito habang sumasayaw samantalang malakas ang good vibes na hatid nang kantahin niya ang "Ever After" na isa nang popular TikTok song ngayon.

Continue reading below ↓

Vice Ganda

Riot ang For Adults Only conversation nina Vice, Krissy at Ate Dick (ang impersonator ni Roderick Paulate) na mas nakakatawa kumpara sa magkahiwalay na comedy skit nina Vice, Negi, Petite at ng Beks Battlion.

Naka-relate kay Vice ang mga nanood ng Gandemic nang magsalita siya at mapaluha habang sinasabi niya ang saloobin tungkol sa mga malulungkot na pangyayari na nararanasan ngayon ng buong mundo dahil sa coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Vice Ganda

“Nakakapagod, pinagod niya ako. Yun ang epekto sa akin [ng pandemya].Pinalungkot niya ako nang husto. Hindi niya ako pinatulog habang marami ang natatanggal sa akin.

“Natanggalan ako ng kalayaan, natanggalan ako ng seguridad, nabawasan ako ng pinagkakakitaan, nabawasan ako ng mga kaibigan, nabawasan ako ng mga mahal sa buhay…nadadagdagan naman yung faith ko. Binibigyan Niya ako ng paniniwala na kahit ang dilim-dilim ngayon, sa ending nito, may maliwanag.

Continue reading below ↓

“Kahit ang hirap-hirap ngayon, sa ending nito, may magiging magaan. Kahit ang lungkut-lungkot na, sa ending nito, lahat tayo magiging masaya uli.”

Tuluyan nang pumatak ang luha ni Vice nang sabihin nito na nami-miss na niya ang ngiti ng mga bata na tuwang-tuwa sa kanya.

“Nami-miss ko nang makita yung ngiti ng mga bata kasi dati, natutuwa ako kapag nakakakita ako ng batang tuwang-tuwa sa akin.

“Nami-miss ko nang gumawa ng pelikula pag filmfest. Nami-miss ko nang gumawa ng Christmas movies.

“Nami-miss kong makita yung mga batang masaya na nanonood ng pelikula ko kasi kapag nagpi-filmfest movie ako, nagte-theater tour ako sa first week ng showing ng pelikula ko.

“Gusto kong makita nang personal yung itsura nung mga nanonood. Gusto ko silang makita, nasa gilid lang ako ng sinehan habang madilim.Tinitingnan ko yung mga bata kung anong reaksyon nila.

“Kung gaano sila nagtatawanan, kung gaano sila naglilikot sa upuan, kung gaano sila pumapalakpak tapos masayang-masaya ako na kapag natapos yung pelikula ko,bumubukas yung ilaw tapos nakikita nila ako sa personal.

Continue reading below ↓

“Yung sigawan nila sa sinehan kapag nakikita nila ako, parang nakakita sila ng buhay na laruan. Kapag nakikita nila ako sa mall, sa kalsada, tumatakbo yung mga bata.

“Parang nakakita sila ng buhay na stuffed toy. Nami-miss ko iyon.

“Nami-miss ko yung nararamdaman ko yung love ng mga bata sa akin kasi yung mga bata, di ba wala silang judgement? Yung matatanda, di ba may judgement?

“Itong pandemic, ang lungkot. Ang daming problema, ang dami nating iniisip, parang hindi natatapos.

“Ang dami nating tanong, tapos hindi natin masagot, tapos takot na takot tayo.That’s why I want to feel like a kid again kasi yung kids, wala namang worries.

“Ang tanging problema lang nila ay gutom sila. Kapag nagugutom sila, iiyak lang sila para makuha yung atensyon ng mga magulang nila. Ang babaw lang ng problema nila, nabu-bore lang sila kaya gusto nilang maglaro.

“I miss the kids and I miss being a kid again. If I can only turn back time, I wanna be a kid again. I wanna play again. I just wanna play again. I wanna go to school again and have friends and play with my friends and excel in school.

Continue reading below ↓

“Gusto kong sumali ng mga contest sa school. Gusto ko uling dalhin ako ng lolo ko sa mall. Gusto ko uling pakainin niya ako sa mga fastfood restaurant. Gusto kong makatanggap uli ng regalo. Gusto ko lang maging masaya at lahat naman tayo, yun ang gusto sa ngayon.

“Kung puwede lang sabihin, time out muna. Gusto muna namin sumaya. Baka puwede, kahit sandali lang.

“Wala munang sakit, wala munang lungkot, wala munang takot. Yung masaya lang, that’s why I want to be a kid again and I want to see the eyes of the kids again.

“Kung si Tutoy ay Tutoy ngayon, kung si Tutoy ay hindi pa Vice Ganda ngayon, si Tutoy ay si Tutoy pa ngayon sa kalagitnaan ng mga nangyayari, sasabihin ko kay Tutoy na huwag kang mag-alala, matatapos din ito at ang lahat ay babalik sa pagiging masaya.”

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng tuwa't saya hatid ng mga makulay na production numbers sa kanyang Gandemic: The VG-Tal Concert, maluha-luha rin si Vice Ganda habang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa pandemya at iba pang sigalot na hinarap niya at ng mga kapwa Kapamilya noong nakaraang taon. Aniya, “Kung puwede lang sabihin, time out muna. Gusto muna namin sumaya. Baka puwede, kahit sandali lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results