Anak ni Oscar Orbos, nag-public apology dahil sa kanyang "meltdown"

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2021
“My family and loved ones have been hurt and disturbed for what has happened. I am deeply remorseful and I sincerely apologize to all who were offended by my conduct," bahagi ng public apology ni Franz Luke Sioson Orbos.
PHOTO/S: Philippine National Police

Learning and humbling experience para sa 36-year-old na si Franz Luke Sioson Orbos ng San Juan City ang pagwawala, pagmumura, at paghahamon niya ng away sa traffic enforcer at police officers na sumita sa pagpaparada niya ng kanyang sasakyan sa Susana Heights Road, Muntinlupa City.

Nangyari ang insidenteng naging sanhi para maging mabagal ang daloy ng trapiko sa naturang lugar noong July 14.

Nakunan ng video ang inasal ni Orbos, na ipinagpipilitang wala itong masamang ginawa at paulit-ulit na ipinagsigawan sa mga pulis at traffic enforcers ang mga salitang ito:

“Hindi niyo ba ako kilala? Hindi niyo ako kilala? P***, hindi niyo ako kilala, kung sino ang tatay ko? Ginagago niyo ako. Tingin niyo takot ako sa inyo?”

Kahit nagpakita ng ID para patunayang isa siyang Orbos, walang nagawa ang akusado nang arestuhin at posasan ito ng mga pulis na pinairal ang maximum tolerance.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakatulog si Orbos sa loob ng kanyang sasakyan dahil sa diumano’y sobrang kalasingan kaya basta na lamang siya pumarada sa gitna ng kalsada.

Continue reading below ↓

Alarm and scandal, resistance and disobedience to authority, direct assault, at obstruction of traffic ang mga reklamong isinampa laban kay Orbos.

Ang mga complainant ay sina Police Corporals Marlon Sandoval at Rolando Liban at ang mga traffic enforcer na sina Felicisimo Co Jr. at Ramon Reamico ng Muntinlupa Traffic Management Bureau.

Kahit may video na ebidensiya ng pagwawala ni Orbos, iniutos ni inquest Prosecutor Christine Soriano-Igot na palayain ang akusado mula sa pagkakakulong sa Muntinlupa City Police Station.

Iitinakda niya sa July 30, 2021 ang preliminary investigation.

Paliwanag ni Soriano-Igot, “There is a necessity to conduct further investigation as there are matters that need to be clarified. Hence, it is hereby recommended that a Preliminary Investigation be conducted on the instant case.

“The respondent is hereby warned that failure on his part to comply with this directive shall be considered a waiver of his right to submit his defense and the case shall be resolved on the basis of the evidence at hand. Let this resolution serves as subpoena for the preliminary investigation.”

Continue reading below ↓

ORBOS'S PUBLIC APOLOGY

Kahapon, July 18, humingi si Orbos ng paumanhin at pang-unawa sa publiko dahil sa kanyang "meltdown," na dahilan para magkaroon ng kasagutan ang kanyang paulit-ulit na tanong kung kilala ba ng mga pulis ang tatay niya.

Ang sagot? Si former Pangasinan Governor Oscar Orbos, na higit na kilala bilang co-host noon ni Winnie Monsod sa defunct public debate television show na Debate with Mare and Pare ng GMA-7.

Ito ang official public apology na inilabas ni Orbos:

“Recently, an incident has gone viral on social media involving myself. What you saw on the video is indeed regretful and contrary how I was raised with Christian values by my loving parents, who taught me to be respectful to the proper authorities.

“My family and loved ones have been hurt and disturbed for what has happened. I am deeply remorseful and I sincerely apologize to all who were offended by my conduct.

Continue reading below ↓

“Like any human being, I have committed a mistake and I am prepared to suffer the consequence of such. This incident has truly been a learning and humbling experience for me. It has moved me to rise above and beyond these unfortunate circumstances and be a better person for my family, God, and country.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“My family and loved ones have been hurt and disturbed for what has happened. I am deeply remorseful and I sincerely apologize to all who were offended by my conduct," bahagi ng public apology ni Franz Luke Sioson Orbos.
PHOTO/S: Philippine National Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results