Joem Bascon, napi-pressure bang si Willie Revillame ang kanyang father-in-law?

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2021
Joem Bascon to Willie Revillame: "Maraming salamat po sa lahat ng mga ibinibigay niyo sa amin na tulong, advice, at sana maging healthy [siya] kasi ang dami niyang natutulungan na tao."
PHOTO/S: Viva Films / GMA Network

Ang relasyon nila ni Willie Revillame ang madalas na itinatanong kay Joem Bascon mula nang aminin ni Meryll Soriano na siya ang ama ng apo ng popular host ng Wowowin.

Sa recent virtual media conference ng pelikulang The Other Wife, na pinagbibidahan nila nina Lovi Poe at Rhen Escaño, muling tinanong si Joem tungkol sa pakiramdam nitong siya ang ama ng apo ni Willie at kung may nararamdaman siyang pressure.

Ayon sa aktor, “Wala naman pong pressure para sa akin.

"Ang importante po lang sa akin… basta ang may pressure sa akin kung papaano ko maibibigay yung kailangan ng anak ko. Kung papaano ko siya mapapalaki nang maayos. Kung ano yung maibibigay kong aral para sa kanya.

"Pero kung regarding kay Sir Wil, wala naman pong pressure kasi all the time po, lagi kaming kinukumusta.

“Lagi kaming binibigyan ng mga advice, ng tulong, so lagi po akong grateful. Yun po yung laging pag-aalaga niya sa apo niya.

Continue reading below ↓

“Bilang isang lalake, gusto kong mapatunayan na kaya kong ibigay ang lahat sa pamilya ko. Kaya kong magtrabaho nang maayos, maibigay yung mga pangangailangan nila.”

Halatang maingat si Joem sa pagbibitaw ng salita kapag tungkol sa kanyang personal na buhay ang pinag-uusapan.

Nang hingan siya ng mensahe para kay Willie, inulit ni Joem ang pasasalamat sa sikat na TV host na magiliw na magiliw sa anak nila ni Meryll.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga ibinibigay niyo sa amin na tulong, advice, at sana maging healthy [siya] kasi ang dami niyang natutulungan na tao.

“Ang dami niyang napapasayang tao, hindi lamang siya sa pamilya mapagbigay kundi sa buong Pilipinas, sa mga taong nangangailangan.

"So, dapat in good and top shape, in good health po siya."

Incidentally, nagpapasalamat din sina Joem, Lovi, at Rhen sa lahat ng mga tumangkilik sa The Other Wife, na number one content ngayon sa VivaMax mula nang mag-umpisa ang streaming ng kanilang sexy drama-thriller movie noong July 16.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon to Willie Revillame: "Maraming salamat po sa lahat ng mga ibinibigay niyo sa amin na tulong, advice, at sana maging healthy [siya] kasi ang dami niyang natutulungan na tao."
PHOTO/S: Viva Films / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results