Dennis Trillo: Hindi kabit-serye ang Legal Wives

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2021
Dennis Trillo ipinagmalaki ang cultural drama ng GMA na Legal Wives: "Ang importante dito, kung papaano na-handle yung karakter, yung ganoong klaseng sitwasyon at kung papaano niya mapapanatili na buo yung kanyang pamilya at walang nag-aaway-away." Leading ladies ni Dennis sa serye sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
PHOTO/S: Legal Wives

Nilinaw ni Dennis Trillo na isang family drama at hindi “kabit-serye” ang Legal Wives, ang bagong prime-time series ng GMA-7 na pinangungunahan nila nina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres.

"Hindi ito isang kabit-serye. Isa itong family drama at mas importante dito yung hindi kung kanino mapupunta kung sino.

"Ang importante dito, kung papaano na-handle yung karakter, yung ganoong klaseng sitwasyon, at kung papaano niya mapapanatili na buo yung kanyang pamilya at walang nag-aaway-away."

Sinabi ito ni Dennis sa virtual media conference ng Legal Wives na naganap ngayong Lunes ng gabi, Hulyo 19.

Isang Maranao royalty na nagngangalang Ismael Makadatu na may tatlong asawa ang karakter na ginagampanan ni Dennis sa Legal Wives.

Umani ng papuri ang official trailer nang ipakita ito sa digital mediacon.

Hindi naging madali para kay Dennis na bigyang-buhay ang role ni Ismael Makadatu at pinag-aralan niyang mabuti ang karakter na ipinagkatiwala sa kanya.

Ano ang paghahanda ni Dennis para sa role na muling humamon sa acting ability niya?

Continue reading below ↓

Paliwanag ng Kapuso actor, "May mga consultant na nakagabay sa amin sa set whenever kailangan namin i-consult sa kanila kung papaano bigkasin.

"Hindi siya basta ordinaryong terms, meron siyang tono, meron siyang tamang enunciation at syllabication na kailangang sundin at kailangang magmukhang tama lahat habang binibigkas namin.

"Para kaming nag-aaral. Gabi-gabi, mine-memorize namin yung script.

"Ako, ginagawa ko bago matulog, kapag alam kong meron akong mahahabang lecture, mahahabang lines, sa gabi pa lang binabasa ko na [ang script ].

"Paggising ko sa umaga, binabasa ko uli para hindi ko siya makakalimutan at ma-absorb ko lahat ng information at ikuwento sa iba."

Marami raw natutunan si Dennis sa kultura ng Islam dahil sa kanyang karakter.

"Si Ismael medyo kawawa nga siya dahil talagang sinusunod niya yung relihiyon by the book.

"Actually yung pangalan na Ismael, galing sa Hebrew word na Isma na ibig sabihin hearer, tagapakinig. Tapos yung El naman ay Allah.

Continue reading below ↓

"So, parang yung pangalan niya, Ismael, hearer of God or hearer of Allah sa Islam."

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo ipinagmalaki ang cultural drama ng GMA na Legal Wives: "Ang importante dito, kung papaano na-handle yung karakter, yung ganoong klaseng sitwasyon at kung papaano niya mapapanatili na buo yung kanyang pamilya at walang nag-aaway-away." Leading ladies ni Dennis sa serye sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
PHOTO/S: Legal Wives
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results