Aljur Abrenica hindi "wooden acting" ang ipinamalas sa Nerisa

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2021
Ipinamalas ni Aljur Abrenica na hindi na mala-kahoy ang kanyang pag-arte sa latest film niyang Nerisa. Inamim noon ni Aljur na dumanas siya ng depression dahil sa pagpuna sa kanyang acting ability na tinawag noong "wooden acting."
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Sa isang interview kay Aljur Abrenica noong September 2016, inamin niyang dumanas siya ng depression dahil sa mga batikos sa kanyang acting ability.

Tinawag na “wooden acting” ang pag-arte niya na nag-umpisa nang magbida si Aljur sa TV remake ng Machete sa GMA-7 noong January 2011.

Pero bago niya ipinagtapat ang naranasang depression, inamin ni Aljur sa panayam sa kanya noong December 2012 na "wooden acting" talaga ang ipinamalas niya sa Machete.

Aniya, “Nung pinapanood ko ang sarili ko noon, talagang masasabi kong wooden acting naman talaga siya. At sa mga nagsasabi ng ganun pa sa akin, opinyon nila yun at nirerespeto ko na lang.”

Si Aljur ang lead actor sa Nerisa, ang sexy drama at boldest movie ng former beauty queen na si Cindy Miranda.

Hiwalay na sila ni Kylie Padilla nang gawin ni Aljur ang Nerisa, at tila nakatulong sa pag-arte niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila dahil may lalim na ang kanyang pagganap.

Continue reading below ↓

Iba’t ibang klase ng emosyon ang ipinakita ni Aljur sa mga eksena niya sa Nerisa kaya hindi na siya puwedeng sumbatan na mala-kahoy o walang emosyon ang pag-arte niya.

Apparently, may kinalaman din ang ang mga nangyayari sa personal na buhay ni Aljur kaya nabawasan ang kanyang inhibitions. Pumayag siyang gawin ang eksenang underwear lamang ang suot niya at ang mga nagliliyab na sex scenes nila ni Cindy.

Tungkol sa isang misteryosang babae na napadpad sa isla at kinahumalingan ng mga kalalakihan kaya binansagang salot ang kuwento ng Nerisa.

Maikukumpara ang kuwento at mga eksena ng Nerisa sa Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, ang 1974 movie ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz, at sa Isla, ang 1985 launching movie ng Bb. Pilipinas-Universe 1982 na si Isabel Lopez.

Ang Nerisa na mapapanood sa VivaMax simula sa July 30 ang unang movie project ni Aljur sa Viva Films na tiyak na masusundan pa dahil sa kontratang kanyang pinirmahan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinamalas ni Aljur Abrenica na hindi na mala-kahoy ang kanyang pag-arte sa latest film niyang Nerisa. Inamim noon ni Aljur na dumanas siya ng depression dahil sa pagpuna sa kanyang acting ability na tinawag noong "wooden acting."
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results