Janine Teñoso may bagong inspirasyon sa katauhan ni Arthur Nery?

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2021
Nagsimulang maugnay sa isa’t isa sina Janine Teñoso at Arthur Nery sa "Pelikula," ang kanilang first song collaboration na nabuo noong March 2020 habang nag-uumpisa ang pandemic lockdown.

Ang fast-rising singer mula sa Cagayan de Oro na si Arthur Nery ang napapabalitang bagong inspirasyon ni Janine Teñoso, na umamin kamakailan na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend.

Nagsimulang maugnay sa isa’t isa sina Janine at Arthur sa "Pelikula," ang kanilang first song collaboration na nabuo noong March 2020 habang nag-uumpisa ang pandemic lockdown.

Lalong naghinala ang fans at supporters ng dalawa na may katotohanan ang balita dahil sa mga sagot ni Janine sa launching ng kanyang bagong EP sa Viva Records, ang "Kwento sa Silid."

“I don’t know, we’ll see,” kinikilig na sagot ni Janine nang tanungin kung may dapat na ipagselos sa kanya ang female fans ni Arthur.

“Glad ako na glad sila. Natutuwa po kami na sinusuportahan nila yung music namin, especially yung 'Pelikula.'

"I am just grateful for the fans and the listeners of 'Pelikula.'”

Hindi sinabi ni Janine ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend, at wala rin siyang direktang sagot tungkol sa tunay na estado ng relasyon niya kay Arthur.

Continue reading below ↓

BORN TO BE A STAR

Kung naging matipid si Janine sa pagsasalita tungkol kay Arthur, ganadong-ganado naman ang female singer sa pagkukuwento tungkol sa karanasan niya bilang isa sa mga Star Agent ng Born to Be a Star, ang talent search program ng TV5 na posibleng magkaroon ng Season 3 bago matapos ang 2021.

Para kay Janine, memorable ang participation niya sa Born to Be a Star dahil ito ang naging instrumento para matupad ang kanyang pangarap maging professional singer.

Sinabi ni Janine na may naramdaman siyang pressure bilang Star Agent, pero marami ang kanyang natutunan mula sa mga kapwa niya hurado na sina Katrina Velarde, Andrew E., Sam Concepcion, at Teacher Georcelle Dapat-Sy.

Hindi rin malilimutan ni Janine ang special participation niya sa Kaka, ang sexy comedy launching movie ni Sunshine Guimary.

“It was fun. I remember I sang 'Hindi Tayo Pwede' a cappella during the shooting.

"Nag-enjoy ang mga tao dahil ang tagal na nilang hindi nakakakita ng live performance at nakapanood sila during the shoot," sabi ni Janine.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimulang maugnay sa isa’t isa sina Janine Teñoso at Arthur Nery sa "Pelikula," ang kanilang first song collaboration na nabuo noong March 2020 habang nag-uumpisa ang pandemic lockdown.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results