Tito Sotto tatakbong Vice President sa 2022 dahil sa "love of country"

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2021
Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto (kanan) ang pagtakbo nila ni Senator Ping Lacson (kaliwa) sa 2022 elections. Si Lacson ay tatakbong presidente at si Sotto naman ang kanyang magiging running mate.
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto Facebook

"Love of country" ang isa sa mga dahilang sinabi ni Senate President Tito Sotto sa desisyon nila ni Senator Panfilo Lacson na kumandidato para sa halalang mangyayari sa May 2022.

Tatakbo si Sotto bilang bise presidente ng Pilipinas at kakandidatong pangulo ng bansa ang kanyang running mate na si Lacson.

Pero sa August 4 pa ang official announcement ng kanilang mga kandidatura.

Isiniwalat ni Sotto ang plano nila ni Lacson sa programa nina Doris Bigornia at Alvin Elchico sa TeleRadyo ng ABS-CBN kagabi, July 20.

Pagkumpirma ng 72-year-old politician, “Nagdesisyon na kami ni Senator Lacson, pero ang official launching namin, ang plano namin is August 4.

“Official announcement, at saka parang meron kaming launching event kasama yung mga gustong tumulong sa amin at saka yung mga kumumbinsi sa amin.”

Nang tanungin tungkol sa dahilan ng kanyang pagkandidato sa May 2022, ang pagmamahal sa bayan ang sagot ni Sotto. Marami raw siyang katanungang nais masagot.

Continue reading below ↓

“It may sound corny to others but one of the reasons is love of country," sabi ni Sotto.

"Ang tanong natin, saan ba papunta ang Pilipinas?

“Meron ka bang programang maganda para ika nga, e, put the country back on track? Meron ba tayong programang magagawa na mas makakabuti para sa bansa?

"Yun, e, patong-patong na.

“Siguro nung nag-consultative meeting naman kami at yung ibang mga kasama namin, hindi lang kasama kundi mga consumer group—merong commuter groups, alumni na mga kumakausap sa amin—tingin nila, yung mga programa namin saka yung background, tulad ng pagiging consensus builder ko at pagiging straight fighter ni Senator Lacson, PNP Chief at saka ng pagiging sundalo hanggang siya’y matungtong sa Senado, is a very good combination.

"So, finally, ni-layout na namin yung programa. Mga two or three days ago, medyo we were planning sige we’ll announce on August 4. Yun ang napili naming date."

Inilabas ni Sotto kahapon sa kanyang official Facebook page ang video ng magkasamang pagsisimba at pagdarasal nila ni Lacson sa Barasoain Church, Malolos, Bulacan noong July 8.

Continue reading below ↓

Isa iyon sa mga pahiwatig ng kanilang pagsasanib-puwersa para sa halalan sa susunod na taon.

Mula sa pagiging komedyante at TV host, pinasok ni Sotto ang mundo ng pulitika nang tumakbo siya at manalong vice mayor ng Quezon City noong 1988.

Nang matapos ang termino niya noong 1992, tumakbo siyang senador sa eleksyon sa taong iyon.

Continue reading below ↓

Siya ang nanguna sa senatorial race kung saan halos 12 million ang nakuha niyang boto at higit sa tatlong milyong boto ang lamang niya sa pumangalawa sa kanya.

Pagkatapos ng dalawang termino bilang senador, mula 1992 hanggang 2004, tumakbo si Sotto sa ikatlong pagkakataon noong 2007 ngunit nabigo siya matapos pumuwesto sa pang-19 lamang.

Tumakbo siyang muli bilang senador noong 2010, at naluklok siya para sa kanyang ikatlong termino hanggang noong 2016.

Sa kasalukuyan ay nasa ika-apat na termino na si Sotto sa Senado, at kasalukuyang Senate President.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto (kanan) ang pagtakbo nila ni Senator Ping Lacson (kaliwa) sa 2022 elections. Si Lacson ay tatakbong presidente at si Sotto naman ang kanyang magiging running mate.
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results