Direk Rico Gutierrez hindi binigyan ng pointers si Alessandra de Rossi bilang first-time director sa My Amanda

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2021
Direk Rico Gutierrez on Alessandra de Rossi's directorial debut, My Amanda: “May mata talaga siya. Alam niya ang gusto niya... I’m happy for her and Piolo. Ang galing nilang umarte sa My Amanda, very natural.”
PHOTO/S: Facebook

Hindi nagsasalita o nagpapainterbyu ang aktres na si Alessandra de Rossi at direktor na so Rico Gutierrez tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Mapalad ang Cabinet Files dahil sinagot ng resident at loyal director ng GMA Network ang mga katanungang ipinadala namin sa kanya.

Si Alessandra ang direktor, writer, co-producer, at leading lady sa My Amanda, na number one ngayon sa Netflix Philippines, Singapore, Qatar, at Top 5 sa Netflix Canada.

Pinupuri ang directorial debut niya dahil sa kanyang mahusay na pagganap at direksiyon. Leading man ni Alessandra rito si Piolo Pascual, na isa rin sa mga prdoucer ng pelikula.

Ang ipinamalas na galing ni Alessandra bilang direktor ang dahilan kaya tinanong namin si Rico kung binigyan nito ng pointers ang kanyang “significant other” na nagpakitang-gilas sa My Amanda.

“Hindi,” sagot ni Rico.

“May mata talaga siya. Alam niya ang gusto niya.

"Siyempre, nagkuwento rin siya sa akin. Ipinaglaban niya talaga yung ganung kakaibang story about friendship na hindi usual rom-com.

Continue reading below ↓

“I’m happy for her and Piolo. Ang galing nilang umarte sa My Amanda, very natural.”

Espesyal sa puso ni Alessandra ang My Amanda dahil ibinuhos nito sa pelikula ang lahat ng kanyang panahon at atensiyon.

Naranasan ni Alessandra na mag-hospital hopping noong ginagawa niya ang My Amanda dahil nagkasakit siya.

Ipinaglaban din niya ang kantang "Through the Fire" para magamit na official soundtrack dahil kailangan at nababagay ito sa kuwento ng pelikula.

Reportedly, P1.5 million ang ibinayad para sa rights ng 1984 hit song ni Chaka Khan.

Sa kanyang parte, seasoned director si Rico na matagal nang napatunayan ang abilidad bilang direktor sa top-rating programs at TV specials ng GMA-7.

Kabilang sa directorial assignments niya sa Kapuso network ay ang Agimat ng Agila, Amazing Earth, The Boobay and Tekla Show, S-Files, Extra Challenge, at Party Pilipinas.

Dahil promising director si Alessandra, tinanong namin si Rico sa posibilidad na pagkakaroon nila ng collaboration sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

Aniya, “Meron kaming napag-uusapan minsan pero usap lang ‘yon. Wala pang definite time.

Nang usisain namin kung special friend, significant other o girlfriend niya si Alessandra, ito ang tanging sagot ni Direk Rico: “Wahaha!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Rico Gutierrez on Alessandra de Rossi's directorial debut, My Amanda: “May mata talaga siya. Alam niya ang gusto niya... I’m happy for her and Piolo. Ang galing nilang umarte sa My Amanda, very natural.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results