Cherie Gil at ex-husband nagkabalikan matapos ang untimely exit ng aktres sa Legal Wives?

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2021
Ayon sa source ng Cabinet Files, nagbalikan ang aktres na si Cherie Gil at dating asawang si Rony Rogoff. Nagkasundo umano ang mga ito na magsama at maging "companion" ang isa't isa. May dalawa silang anak: sina Raphael at Bianca.
PHOTO/S: @macherieamour Instagram

Pinag-usapan noong May 8, 2021 ang kontrobersiyal na pamamaalam ni Cherie Gil sa Legal Wives dahil sa mahabang litanya niya sa kanyang Facebook page.

Ang Legal Wives ay ang bagong prime-time drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa July 26.

Zaina Guimba ang pangalan ng karakter ni Cherie, at siya ang gumaganap bilang nanay ng karakter ni Dennis Trillo.

Hindi na tinapos ni Cherie ang fifth cycle ng lock-in taping ng Legal Wives, at ipinaalam niya sa publiko ang kanyang desisyon sa pamamagitan ng isang intriguing Facebook post.

Ang malungkot na pagpapaalam ni Cherie sa Legal Wives: "There comes a time in your life when you have to make a very important decision albeit difficult and even painful.

"Finding a balance is crucial especially when held back by circumstances that don't foster mental, emotional and spiritual growth.

"I found myself in such a situation. And believe me, it wasn't impulsive as I tend to be in the past.

Continue reading below ↓

"It took a long excruciating process to look at the whole situation through the lenses of critical thought, analysis, neuroses, counsel, reflection, meditation and most of all prayer.

"Finally, the signs were everywhere and it couldn't be any clearer.

"To my deep sadness, I finally had to leave a soap half way through.

"And to be honest, for a committed actor such as myself, I would have wanted to see my character within the story till its end."

Hindi tuwirang binanggit ng 58-year-old actress ang tunay na dahilan ng pag-alis niya.

Pero nagpahiwatig siya ng frustration na may kinalaman sa proseso sa trabaho.

Bahagi pa rin ng May 8 FB post niya: "The time, the energy, the heart, the tears, the sleepless nights and long hours, the devotion, the dedication, the respect and reverence invested to the work

"It is disheartening and blatantly frustrating when it isn't seen and met in the same light and given equal energy.

Continue reading below ↓

"I have always believed that any form of creativity blossoms from collaboration and a unified goal.

"The whole process of this work is SACRED to me. Without this process, there is no joy to be found, no minds to learn from and no point!"

Dagdag ni Cherie, "As I have always been told, THERE ARE NO SHORT CUTS. In anything.

"Otherwise, we limit ourselves from our potential and will only lead to chronic mediocrity."

CHERIE GIL'S REUNION WITH EX-HUSBAND

Nang umalis siya sa programa, bumalik si Cherie sa Amerika dahil nagkaroon umano sila ng reconciliation ng kanyang ex-husband—ang renowned Israeli violinist na si Rony Rogoff.

Naghiwalay ang dalawa noong 2008 matapos ang dalawampung (20) taong pagsasama bilang mag-asawa.

Labintatlong (13) taon makalipas ang kanilang hiwalayan, isang malapit sa kanila ang nagsabing nagkasundo sina Cherie at Rony na muling magsama bilang "companion" ng isa’t isa.

Ang pagbabalikan nila ni Rony bilang magkaibigan ay isa lamang sa mga dahilan ng kontrobersiyal na pagkawala ng karakter ni Cherie sa Legal Wives.

Continue reading below ↓

Pero walang narinig na masama mula sa GMA-7 management na pinairal ang respeto sa kanya.

CHERIE'S PARTICIPATION IN LEGAL WIVES

Sa kabila ng untimely exit ni Cherie sa Legal Wives, binigyan pa rin ng GMA-7 ng importansiya ang partisipasyon ng aktres sa show na iniwanan nito.

Kung mapapanood ni Cherie ang official trailer ng Legal Wives, malamang na matuwa siya sa pagpapahalagang ibinigay ng Kapuso Network.

Ito ay sa kabila ng pahiwatig niyang frustration sa seryeng nilisan noong Mayo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa source ng Cabinet Files, nagbalikan ang aktres na si Cherie Gil at dating asawang si Rony Rogoff. Nagkasundo umano ang mga ito na magsama at maging "companion" ang isa't isa. May dalawa silang anak: sina Raphael at Bianca.
PHOTO/S: @macherieamour Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results