GMA series nina Xian Lim at Jennylyn Mercado, may petsa na ang lock-in taping

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2021
Sa August 15 nakatakdang magsimula ang lock-in taping nina Xian Lim at Jennylyn Mercado para sa pagbibidahan nilang bagong drama series sa GMA-7.
PHOTO/S: Instagram

Wala pang pormal na anunsiyo na Kapuso na si Xian Lim, pero isang buwan nang usap-usapan ang tungkol sa inaasahang paglipat nito sa GMA-7.

Una nang naiulat ng Cabinet Files na Love. Die. Repeat. ang working title ng drama series na pagtatambalan nina Xian at Jennylyn Mercado sa GMA-7.

At nakatakda sa August 15 ang simula ng kanilang lock-in taping.

MISS WORLD HOSTING STINT

Pero bago siya sumabak sa teleserye nila ni Jennylyn, mapapanood muna siya bilang host sa grand coronation ng Miss World Philippines 2021.

Gaganapin ang pageant sa grand ballroom ng Okada Manila sa July 25, Linggo, at eere ito sa GMA-7.

Ang ALV talents na sina RJ Ledesma, Winwyn Marquez, Alyssa Muhlach, at Cynthia Thomalla ang mga co-host ni Xian sa coronation night ng Miss World Philippines 2021.

Hindi ito ang unang pagkakataong makakatrabaho ni Xian si Winwyn sa isang beauty pageant dahil nagkasama na sila bilang mga hurado ng Miss BNP International sa Las Vegas, Nevada noong April 2018.

Continue reading below ↓

Nadiskubre ang talent ni Xian bilang pageant host nang siya ang mapili na emcee ng 49th Binibining Pilipinas noong April 15, 2012.

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga hosting job niya tulad ng Miss Grand International 2017 na ginanap sa Vietnam noong October 25, 2017, at Miss Grand International 2018 na idinaos sa Myanmar noong October 25, 2018.

YORME: the MUSICAL

Wala nang masyadong pressure para kay Xian ang hosting stint niya sa Miss World Philippines 2021 dahil tapos na ang kanyang shooting para sa Yorme: The Musical.

Bida sina Xian at McCoy de Leon sa Yorme, ang pelikulang tungkol sa kuwento ng buhay ni Manila Mayor Isko Moreno.

Si Janno Gibbs naman ang gaganap sa karakter ng pumanaw na star builder at television host na si German Moreno, aka Kuya Germs.

Si Kuya Germs ay itinuturing ni Isko na ikalawang ama dahil ito ang nagbigay ng break sa kanya sa showbiz via That's Entertainment.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa August 15 nakatakdang magsimula ang lock-in taping nina Xian Lim at Jennylyn Mercado para sa pagbibidahan nilang bagong drama series sa GMA-7.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results