"New place" ni Kylie Padilla at mga anak nila ni Aljur Abrenica, bahay ni Robin Padilla sa Fairview

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2021
Pagkatapos nilang maghiwalay ng asawa niyang si Aljur Abrenica, lumipat na si Kylie Padilla at ang kanilang mga anak sa bahay ng ama niyang si Robin Padilla sa Fairview, Quezon City.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

Ibinida ni Kylie Padilla noong July 10 na lumipat na sila ng mga anak nila ni Aljur sa kanilang bagong tahanan.

Hindi binanggit ni Kylie na mula sa dating townhouse ni Aljur sa Scout area, Quezon City, umuwi sila ng kanyang mga anak sa bahay ni Robin Padilla sa Fairview, Quezon City noong March. Ito ang tinutukoy niyang "new place" nila.

Continue reading below ↓

May balitang iniwan na rin ni Aljur ang Quezon City townhouse nitong saksi sa magagandang alaala ng short-lived relationship nila ni Kylie, at nakatira na siya sa bahay ng mga magulang niya sa Batangas City.

Pero walang kumpirmasyon dahil tikom ang kanyang bibig mula nang isiwalat ni Robin sa publiko ang katotohanan.

Bilang ama, hindi nagkulang si Robin ng suporta kay Kylie. Kung siya ang tatanungin, gusto niyang magkasundo at maayos ang problema sa pagitan ng kanyang anak at manugang.

Si Robin din ang personal na nag-asikaso sa unit na nilipatan ng anak at mga apo niya.

Pero sa Instagram post ni Kylie noong nakaraang linggo, tanging ang ina nitoNG si Leizl Sicangco ang kanyang pinasalamatan.

Mensahe ng aktres para sa kanyang ina: “Wala lng. I just want you to know how much I appreciate you ma. All your sacrifices. Thank you for all of it. I love you nanay. I love you. I love you. I love you.”

Continue reading below ↓

Ipinagtaka ito ng ilang followers niya dahil hindi pa siya naglalabas ng appreciation post para kay Robin.

FAKE NEWS

Samantala, hindi dapat paniwalaan ang balitang inilabas ng isang entertainment page na kasama si Kylie sa cast ng Lolong at ito ang reunion project nila ni Ruru Madrid.

Nagkapareha sina Kylie at Ruru sa remake ng Encantadia noong 2016.

Continue reading below ↓

Tahasang sinabi ng isang production insider na "fake news" na magtatambal sa Lolong sina Kylie at Ruru dahil sina Shaira Diaz at Arra San Agustin ang mga lead actress sa bagong primetime series ng GMA Public Affairs.

Lumutang ang balita tungkol sa muling pagsasama nina Kylie at Ruru matapos kumpirmahin ni Robin na hiwalay na ang kanyang anak sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

Contract star si Kylie ng GMA Artist Center, at isang malapit sa kanya ang nagsabing wala pa na nakalinyang proyekto para sa aktres.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos nilang maghiwalay ng asawa niyang si Aljur Abrenica, lumipat na si Kylie Padilla at ang kanilang mga anak sa bahay ng ama niyang si Robin Padilla sa Fairview, Quezon City.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results