Lucy Torres-Gomez tatakbong senador sa 2022 elections

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2021
Kasama si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez sa senatorial lineup ng National People's Coalition para sa 2022 elections.
PHOTO/S: @lucytgomez on Instagram

Magiging matingkad ang showbiz colors sa May 2022 elections dahil sa senatorial lineup ng National People’s Coalition (NPC) na inilabas ni Senate President Tito Sotto.

Kakandidatong bise presidente si Sotto, at running-mate niya for president si Senador Panfilo Lacson.

Sina JV Ejercito, Chiz Escudero, Loren Legarda, at Lucy Torres-Gomez—na pawang may mga koneksiyon sa entertainment industry—ang apat sa sampung senatorial candidates ng NPC.

Huling termino na ni Lucy bilang House Representative ng 4th District ng Leyte.

Hindi pa siya nagsasalita tungkol sa kanyang mga susunod na plano, pero ang listahang inilabas ni Sotto ay malinaw na indikasyong kakandidatong senador ang former TV host-actress at asawa ng aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez.

May mga haka-hakang si Richard ang kakandidatong House Representative ng 4th District ng Leyte bilang kapalit ng kanyang asawa, pero wala pang pahayag ang actor-politician. Kasalukuyang nagpapagaling si Richard mula sa COVID-19.

Tatlong taon lamang nagpahinga si Loren Legarda bilang senador matapos makumpleto ang kanyang panunungkulan.

Continue reading below ↓

Hindi nagretiro si Loren sa pulitika dahil kumandidato at nanalo siya noong May 2019 bilang House Representative ng lone district ng Antique. Qualified nang bumalik sa senado ang dating broadcast journalist kaya muli itong tatakbong senador sa ilalim ng NPC.

Gaya ni Loren, pansamantalang nagbakasyon si Francis "Chiz" Escudero sa pagiging senador at tatlong taon munang nanungkulan bilang gobernador ng Sorsogon. Sa susunod na taon, tiyak na visible sa pangangampanya ang kanyang asawang si Heart Evangelista para sa senatorial bid niya.

Wala nang makapipigil sa intensiyon ni JV Ejercito na muling kumandidatong senador, kahit iginiit ng kanyang kapatid sa ama na si Jinggoy Estrada na isa lamang sa kanila ang dapat tumakbo.

Hindi nagparaya sa isa’t isa ang mga anak ng former actor at deposed Philippine President Joseph Estrada sa halalan noong May 2019, na tinatayang dahilan para kapwa sila matalo sa kanilang mga senatorial bids.

Hindi malabong maulit ang nangyari kundi sila magkakasundo, magbibigayan, at hindi maniwala sa overused cliché na "history repeats itself."

Continue reading below ↓

Sina Senators Win Gatchalian (na meron nang ad na lumilitaw sa YouTube), Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Dick Gordon, Gringo Honasan, at Goyo Larrazabal ang anim sa mga kasama nina Lucy, Loren, JV, at Chiz sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez sa senatorial lineup ng National People's Coalition para sa 2022 elections.
PHOTO/S: @lucytgomez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results