Kim Molina at Jerald Napoles, pitong taon na ang relasyon; nakaramdam ba sila ng seven-year itch?

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2021
Kim Molina on seven-year relationship with boyfriend Jerald Napoles: “We both share the same dreams and wishes. We talk about it every night. And we are looking forward to fulfill those dreams together soon kaya rin siguro kami nagtatagal at lalo tumatatag. Sabay po kaming nangarap at sabay kaming nagtutulungan para magawa namin lahat ‘yon."
PHOTO/S: @kimmolina on Instagram

Ngayong Huwebes, July 22, ang ika-pitong anibersaryo ng relasyon nina Kim Molina at Jerald Napoles pero walang selebrasyong magaganap dahil nasa lock-in shoot sila ng kanilang bagong pelikula.

Sinabi ni Kim na baka ipagdiwang na lamang nila ni Jerald ang kanilang anibersaryo sa mga susunod na araw o sa dinner break nila ngayong gabi.

“Today po kasi, July 22, nagkataon na nasa lock-in kami pareho for another movie kaya hindi kami makapag-celebrate like we used to.

“Next time na lang kami magde-date dahil nasa work kami today or puwede rin naman po mamaya na lang sa dinner break habang nagse-set up para sa next scene namin!" natatawang pahayag ni Kim sa Cabinet Files.

May anniversary wishes ba kayo ni Jerald para sa isa’t isa?

Sagot ni Kim, “We both share the same dreams and wishes. We talk about it every night.

"And we are looking forward to fulfill those dreams together soon kaya rin siguro kami nagtatagal at lalo tumatatag.

Continue reading below ↓

“Sabay po kaming nangarap at sabay kaming nagtutulungan para magawa namin lahat ‘yon.

“We also love surprising people around us with things we do, hence our new movie Ikaw At Ako At Ang Ending, with a very different genre from what people usually see us in.

"Kaya it’s also mutual na kung anumang dreams meron kami, bigla niyo na lang makikita without us giving hints to anyone of what it’s gonna be.

"Tulad nga po ng sabi ni Jerald, limitless, but definitely not reckless."

Dahil pitong taon na ang relasyon nila ni Jerald, tinanong namin ang opinyon ni Kim tungkol sa seven-year itch, ang paniniwalang nababawasan ang pagmamahalan kapag humantong na sa pitong taon ang pagsasama ng dalawang tao.

“Wala po sa amin ‘yon. Siguro mas itch o kating-kati kaming magtrabaho,” walang paligoy-ligoy na sagot ni Kim.

Humingi ng paumanhin ang actress-singer sa amin dahil kailangan na niyang bumalik sa set ng pelikula nila ni Jerald na follow-up sa Ikaw at Ako at Ang Ending, kahit sa August 13 pa ang streaming nito sa ktx.ph at VivaMax.

Continue reading below ↓

Sina Kim at Jerald ang itinuturing ngayong "most important at bankable love team" sa panahon ng coronavirus pandemic. Ito ay dahil certified hit ang lahat ng mga project na pinagbidahan nila kaya sunod-sunod ang kanilang mga pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on seven-year relationship with boyfriend Jerald Napoles: “We both share the same dreams and wishes. We talk about it every night. And we are looking forward to fulfill those dreams together soon kaya rin siguro kami nagtatagal at lalo tumatatag. Sabay po kaming nangarap at sabay kaming nagtutulungan para magawa namin lahat ‘yon."
PHOTO/S: @kimmolina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results