Robin Padilla umatras sa planong tumakbong governor ng Camarines Norte

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2021
Ipinagtapat ni Robin Padilla na nagparehistro na siya sa Camarines Norte dahil sa pinaplano niyang kandidatura bilang governor, pero nagbago raw ang kanyang isip nang malaman kung magkano ang kailangan niyang ilabas na pera.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Inamin ni Robin Padilla ang balak nitong kumandidato bilang gobernador ng Camarines Norte sa halalan sa Mayo 9, 2022.

Pero nagbago raw ang kanyang isip nang malaman niya ang malaking halagang kailangan para sa kampanya.

Sa panayam sa kanya ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla para sa YouTube channel nito, ipinagtapat ni Robin na nagparehistro na siya sa Camarines Norte dahil sa pinaplano niyang kandidatura.

Lahad ng aktor, “Nagparehistro pa nga ako sa Bicol kasi ang nasa isip ko, P10 million, P20 million, siguro kaya naman utang-utangin ‘yon.

“Twenty million, meron ka naman naitago, hindi naman ako naniniwala na ginastos mo lahat.

“Sinabi sa akin, P150 million [ang kailangan] sa local government, governor. Yun pa daw ang pinakamaliit.

“Sabi ko, 'Teka muna!' Ibig mong sabihin, kung magbebenta ka ng ari-arian para pondohan yung pagkandidato na ‘yon, sabihin na natin na nanalo ka..." may sasabihin pa sana si Robin pero si Mariel na ang nagsalita.

Continue reading below ↓

Sundot ng TV personality, “Ako na ang magsasabi. Ang mangyayari, mapipilitan ka talagang maging corrupt kasi babawiin yung bahay.

“Alangang pumayag na lang ako, ibinenta natin yung mga ari-arian natin, tapos nawala na lahat dahil kinampanya natin. O, ba, siyempre kailangan bumalik ‘yon.

"Dun ngayon papasok yung corruption!"

Dahil hindi na matutuloy ang kanyang gubernatorial bid sa Camarines Norte, humingi si Robin ng paumanhin sa kanyang mga kababayan na umasang tatakbo siya sa eleksyon sa susunod na taon.

Saad niya, “Hindi tama, so nagdesisyon na ako.

"Kaya sa mga kababayan po natin sa Camarines Norte, patawarin niyo po ako na hindi ko po kaya.

“Kung gusto ko pong magdala ng pagbabago sa inyo, dapat, umpisa pa lang. Pagpasok ko pa lang, pagbabago na kaagad.

"Hindi yung mangangako ako, ganito, ganito, ganito, bola ‘yon."

MALING AKALA

Sinamantala naman ni Mariel ang pagkakataon para linawin sa lahat na mali ang akala na inuubos niya ang pera ng kanyang asawa.

Continue reading below ↓

Sabi ni Mariel, “I-clear natin sa kanila na yung pera ko, pera ko. Yung pera mo, pera mo.

"Pero siya [Robin] ang nagbibigay ng para sa amin dito sa bahay.

"Pero yung mga luho ko, lahat ng mga damit na binibili ko na mamahalin sa mga anak ko. But anything luxury, anything out of the necessity, sa akin ‘yon galing.

“Kasi minsan, sinasabi nila, baka inuubos ko raw yung pera mo.

"Itong mga kalokohan ko, akin ‘yon ‘no! Hello!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagtapat ni Robin Padilla na nagparehistro na siya sa Camarines Norte dahil sa pinaplano niyang kandidatura bilang governor, pero nagbago raw ang kanyang isip nang malaman kung magkano ang kailangan niyang ilabas na pera.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results