Kalagayan ng stand-up comedienne na si Ate Shawee lumalala; kailangan ng financial help

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2021
"Palala na po nang palala ang kalagayan niya. Hindi po namin akalain na hindi na niya kami makikilala. Wala na siya sa sarili, hindi na nagsasalita," malungkot na pahayag ng pamangkin ni Ate Shawee tungkol sa kalagayan ng stand-up comedienne at impersonator ni Sharon Cuneta.
PHOTO/S: Facebook / Rafaela de Jesus

Muling kumakatok sa puso ng mga taong may ginintuang kalooban ang pamilya ni Marvin Martinez, na higit na kilala sa kanyang screen name na Ate Shawee.

Si Ate Shawee ang 45-year-old comedian at impersonator ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa sakit na liver cirrhosis.

Noong Sabado, July 24, ay ibinalik si Ate Shawee sa Chinese General Hospital dahil sa kanyang lumalalang kundisyon.


Continue reading below ↓

Ngayong gabi, July 25, nakipag-ugnayan sa Cabinet Files ang pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela de Jesus dahil nangangailangan sila ng pinansiyal na tulong para mailabas nila mula sa ospital ang may karamdamang komedyante.

"Hindi na po niya kami kilala," malungkot na balita ni Rafaela tungkol sa kanyang Tita Shawee.

"Kapatid na lang po niya ang kanyang kilala, si Tito Mark. Magsalita man siya, 'Mark' lang ang sinasabi niya.

"Bukas po, lalabas na po ulit sa ospital si Tita. Two days pa lang po siya sa ospital, umabot na agad sa P60,000 ang bill.

"Ilalabas na po ulit siya bukas ng hapon. Sa bahay na lang po siya.

"Sumuka at dumumi po siya ng blood."

Pakiusap ng pamangkin ni Ate Shawee, "Sana po matulungan po siya. Kailangan po ng pera para makalabas siya mula sa ospital at para sa mga gamot niya.

"Walang-wala na po si Tita. Baka po may mababait na puso na tumulong.

Continue reading below ↓

"Palala na po nang palala ang kalagayan niya. Hindi po namin akalain na hindi na niya kami makikilala.

"Wala na siya sa sarili, hindi na nagsasalita."

Hindi na ma-access ang cellphone ni Ate Shawee dahil ito lang ang nakakaalam sa password ng kanyang telepono kaya nagbigay si Rafaela ng bagong Gcash number (09952397972 na nakapangalan kay Ronnica Rollyn) para sa mga nagnanais tumulong.

Maaari ring magdeposito sa BDO Unibank Inc. Savings Account Number 002470252578, sa pangalan ni Justine D. Castro.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Palala na po nang palala ang kalagayan niya. Hindi po namin akalain na hindi na niya kami makikilala. Wala na siya sa sarili, hindi na nagsasalita," malungkot na pahayag ng pamangkin ni Ate Shawee tungkol sa kalagayan ng stand-up comedienne at impersonator ni Sharon Cuneta.
PHOTO/S: Facebook / Rafaela de Jesus
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results