Sean de Guzman at AJ Raval, mala-Scorpio Nights ang steamy love scenes sa Taya

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2021
Pinagbibidahan nina AJ Raval at Sean de Guzman ang Taya, isang erotic movie na mala-Scorpio Nights ang vibe.
PHOTO/S: Taya

Bidang-bida si Sean de Guzman sa Taya, at puwedeng sabihing millennial version ng controversial 1985 movie na Scorpio Nights ang sexy drama movie nila ni AJ Raval.

Malakas ang Scorpio Nights vibe ng mga eksena nina Sean at AJ sa Taya.

May rason para kabahan ang direktor na si Roman Perez Jr. dahil palaban sa hubaran ang mga artista niya.


Continue reading below ↓

Si Peque Gallaga ang direktor ng Scorpio Nights na pinagbidahan nina Daniel Fernando, Anna Marie Gutierrez, at ng pumanaw na aktor na si Orestes Ojeda.

Maingay na maingay at pinagpistahan ng publiko ang Scorpio Nights nang ipalabas ito sa mga sinehan noong June 18, 1985.


Daniel Fernando and Anna Marie Gutierrez in Scorpio Nights

Continue reading below ↓

Ang popularidad ng Scorpio Nights ang dahilan kaya nagkaroon ito ng Korean remake, ang Summertime, na napanood sa mga sinehan sa South Korea noong May 26, 2001.

Para kay Perez, homage niya ang Taya kay Gallaga na sumakabilang-buhay noong May 7, 2020.

Unang ipinamalas ni Perez ang kanyang husay sa paggawa ng erotic films sa Adan, ang 2019 launching movie nina Cindy Miranda at Rhen Escaño.

Pero nahigitan niya ang sarili sa Taya dahil sa mala-Scorpio Nights sex scenes nina Sean at AJ.

SEAN'S CHALLENGING ROLE

Maipagmalalaki ni Sean ang Taya dahil nakasentro sa kanya ang kuwento ng pelikula.

Naipakita niya ang natural na talento sa pag-arte. Higit na kumplikado ang karakter na ginampanan ng 20-year-old newcomer kumpara sa role niya sa Anak ng Macho Dancer, ang kanyang launching movie.

Continue reading below ↓

Kasama rin sina Sean at AJ sa cast ng Nerisa na tinatampukan nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica.

Matindi ang love scene sina Sean at AJ sa Nerisa.

Pero patikim lamang iyon dahil itinodo nila ang pagpapakita ng kanilang mga hubad na katawan sa Taya.

Aminado naman si Roman na kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng publiko sa kanyang bagong pelikula.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagbibidahan nina AJ Raval at Sean de Guzman ang Taya, isang erotic movie na mala-Scorpio Nights ang vibe.
PHOTO/S: Taya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results