Cast ng Ang Probinsyano, nagbigay-pugay kay Susan Roces sa 80th birthday ng movie queen

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2021
Movie queen Susan Roces is celebrating her 80th birthday today, July 28.
PHOTO/S: Facebook

Ngayong araw, July 28, ang 80th birthday ng movie queen na si Susan Roces.

Pero hindi siya magkakaroon ng engrandeng pagdiriwang dahil mananatili lamang siya sa kanyang tahanan sa San Juan City.

Kahit fully-vaccinated na ng Pfizer COVID-19 vaccine, hindi lumalabas ng bahay si Susan bilang pag-iingat para sa sarili at sa kanyang mga kasambahay laban sa coronavirus pandemic.

Cast member si Susan ng FPJ's Ang Probinsyano, at ang pandemya ang dahilan kaya hindi na niya nakakasama ang ibang mga artista ng longest running-action drama series ni Coco Martin.

Kinukunan sa bahay niya ang mga eksena ni Susan sa Ang Probinsyano para hindi na siya pumunta sa set at matiyak ang kaligtasan niya mula sa banta ng COVID-19.

Hindi nakalimot ang cast at crew ng Ang Probinsyano dahil gumawa sila ng video na pagbati nila para sa 80th birthday ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Narito ang kanilang mga mensahe:

Coco Martin: "La, happy 80th birthday po. Maraming-maraming salamat sa 'yong pagmamahal at laging pagsuporta po sa akin.

Continue reading below ↓

"Hangad ko sa 'yong kaarawan ang iyong kaligtasan, kaligayahan, at lalong malakas na pangangatawan. I love you at miss na miss ka na po naming lahat, lalong-lalo na sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sana mag-enjoy ka. I love you!”

Lorna Tolentino: “Ang aking hiling para sa 'yong kaarawan, Tita Susan, ay ang patuloy na maging masaya, malusog, at matagumpay ka.”

Rowell Santiago: “Tito Ronnie and Papa have been the best of friends pagkatapos ngayon, we’re co-workers doing an FPJ series. Parang tinuluy-tuloy pa rin natin ‘yon. In behalf of our family, the Santiago family, we’d like to thank you for all the support. Mahal na mahal ka namin.”

Tirso Cruz III: “May you have many many more birthdays to come and it’s really a joy and pleasure to have known you and pagmamahal na ibinibigay mo at paggabay sa amin.”

Angel Aquino: “Miss na miss na kita, kahit ilang buwan lang tayong nagkasama. I really appreciate that you trusted me with your stories. Thank you so much, I learned so much from you.”

Continue reading below ↓

Cristina Gonzales: “The best of health, peace, love and joy every day of your life.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Movie queen Susan Roces is celebrating her 80th birthday today, July 28.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results