Daniel Padilla ipinaliwanag kung bakit hindi siya gaanong aktibo sa social media

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2021
Daniel Padilla on using social media platforms as a celebrity: “Sa akin, it’s not natural. Hindi ko kaya, nahihirapan ako. Pero sa iba ko na lang siya ginagawa. Yung mga streaming, hindi ko talaga kaya."
PHOTO/S: @supremo_dp on On Instagram

Nag-trending sa Twitter Philippines ang guesting ni Daniel Padilla sa The Purple Chair Interview para sa YouTube channel ni Boy Abunda ngayong Huwebes ng gabi, July 29.

Lumitaw ang pagiging responsible social media user ni Daniel dahil sa pahayag niyang hindi siya pabor sa paraan ng paggamit ng iba sa iba’t ibang platforms ng social media.

Sabi ng Kapamilya actor, "I post sa Instagram just to update them [fans].

"Minsan napapatagal, pero I post siyempre. Nakakahiya rin naman sa kanila dahil cannot be found na naman ako.

"Pero, like, kung yung mga ginagawa ng iba?"

Ginawa pang halimbawa ni Daniel ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo, na "natural na natural" daw sa paggamit ng social media.

Aniya, “Si Kathryn ang pinakamagandang example, kung paano siya magtrabaho, the ethics ng… natural na natural.

“Sa akin, it’s not natural. Hindi ko kaya, nahihirapan ako. Pero sa iba ko na lang siya ginagawa.

Continue reading below ↓

"Yung mga streaming, hindi ko talaga kaya."

Pinuna naman ng 26-year-old ang kakaibang mundo ngayon ng mga baguhang artista na nakasalalay at tila umiikot na lamang sa social media ang mga buhay.

Saad niya, “Ayokong maging negative person. Sana lang maging responsible tayo.

“Like, sa likes, sinabi ‘yan ni Kobe Paras, ang galing ni Kobe Paras... Sinabi niya na sana sa Instagram o anumang social media platforms, sana alisin na yung bilang ng likes.

"Pangalawa, the counts of your followers.

"Kapag inalis mo kasi ‘yon, magbabago rin ang tema ng lahat. Mag-iiba. Pero hindi na ito kumpitensiya ng...

"The problem is in the industry, kailangan nila yung mga numero na ‘yon. Ang hirap ibalanse," opinyon ni Daniel tungkol sa pagkontrol na ginagawa ng social media sa buhay at pamumuhay ng mga tao.

UPCOMING PROJECTS

Kinumpirma ni Daniel na isang TV series ang susunod na project nila ni Kathryn, at magkakaroon sila ng pag-uusap para sa bagong pelikula na kanilang gagawin.

Continue reading below ↓

Binanggit din ni Daniel ang pelikula nila ni Charo Santos-Concio, ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine). Official entry ito ng Pilipinas sa 74th Locarno Film Festival ng Switzerland na magaganap mula August 1 hanggang August 14, 2021.

Si Carlo Francisco Manatad ang direktor ng pelikula, kung saan ginagampanan nina Daniel at Charo ang papel ng mag-ina na nakikibaka sa buhay matapos manalanta sa Tacloban ang Typhoon Yolanda noong November 2013.

Sabi ni Daniel, “Si Ma’am Charo, napakahusay. Ang haba ng Waray lines niya. It’s not easy, ang galing ni Ma’am Charo. Iba yung atake ng film na 'to."

Walang Tagalog na salita sa pelikula dahil puro Waray ang mga linya nila.

Hindi nahirapan si Daniel sa karakter na kanyang binigyang-buhay dahil Waray ang nanay niyang si Karla Estrada kaya marunong at matatas siya sa native regional language sa Eastern Visayas.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on using social media platforms as a celebrity: “Sa akin, it’s not natural. Hindi ko kaya, nahihirapan ako. Pero sa iba ko na lang siya ginagawa. Yung mga streaming, hindi ko talaga kaya."
PHOTO/S: @supremo_dp on On Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results