Cindy Miranda hindi nahigitan ang daring scenes nina AJ Raval at Sheree sa Nerisa

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2021
Sino ang todo sa pagpapakita ng katawan kina AJ Raval (kaliwa), Cindy Miranda (gitna), at Sheree (kanan) sa sexy film na Nerisa?
PHOTO/S: Instagram

Natandaan naming sinabi ni Cindy Miranda sa July 28 virtual media conference ng Nerisa na hindi siya naghubad sa pinagbibidahang pelikula.

Dalawang beses inulit ni Cindy na hindi siya naghubad sa remake ng 1985 bold movie na Isla, na pinagbidahan ng kanyang fellow beauty queen na si Bb. Pilipinas-Universe 1982 Maria Isabel Lopez.

Disclaimer noon ng Bb. Pilipinas-Tourism 2013 titleholder: “Hindi po ako naghubad sa movie na 'to. I don’t think kailangan kong maghubad para maging sexy ka sa movie.

"Hindi po ako naghubad so I think mas grabe pa yung nakita niyo sa Adan [2019]. But then, iba po yung karakter ni Nerisa.

"Let’s see po kung paano ko ipapakita na sana seksi pa rin ako kahit nakadamit po ako."

Nagsimula ngayong Biyernes, July 30, ang streaming ng Nerisa sa VivaMax.

Kapapanood pa lang namin ng Nerisa kaya napatunayan naming hindi tumpak ang mga salitang binitiwan ni Cindy.

Totoo ang sinabi niyang hindi siya naghubad sa pelikula niya, dahil siya ang hinubaran ng kanyang leading man na si Aljur Abrenica at ng mga kalalakihan sa "climax scene."

Continue reading below ↓

May mga breast exposure scene si Cindy, pero hindi niya napantayan o nahigitan ang ginawa nina AJ Raval at ng former Viva Hot Babes member na si Sheree Bautista.

Si Cindy ang title role sa Nerisa, si AJ ang narrator, at si Sheree ang gumanap na bayarang babae sa isla na tinitirhan nila.

SHEREE'S MOST DARING SCENE

Si Sheree ang may pinakagrabeng eksena sa pelikula.

Ginawa ni Sheree sa Nerisa ang sexy scene na hindi niya nasubukang gawin noong dalaga at miyembro pa siya ng Viva Hot Babes.

Dahil sa kanyang bulgar at hayok na eksena, itinanong namin kay Sheree ang mga dahilan kaya napapayag siya ng direktor na si Lawrence Fajardo.

“First time ko pong gawin ang ganoong sexy scene sa movie. Nagustuhan ko kasi ang story and I trusted Direk Law Fajardo na magiging tasteful ang eksena.

"Saka the story calls for it. Maganda po yung role kaya napapayag ako para sa ikagaganda ng movie," sabi ni Sheree.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang todo sa pagpapakita ng katawan kina AJ Raval (kaliwa), Cindy Miranda (gitna), at Sheree (kanan) sa sexy film na Nerisa?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results