Sean de Guzman at AJ Raval, mag-level up kaya ang friendship?

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2021
Mag-level up kaya ang pagkakaibigan nina AJ Raval at Sean de Guzman dahil sa sobrang close nila sa isa't isa?
PHOTO/S: @ajraval on Instagram / @seandeguzman on Instagram

Pinamulahan ng mukha, nautal at paulit-ulit ang pagsasalita ni Sean De Guzman sa recent virtual presscon ng Taya dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ni AJ Raval tungkol sa kanilang pangalawang beses na pagtatambal sa pelikula.

“Si Sean po ang na-i-in love sa akin. Patay na patay po sa akin si Sean,” ang walang kagatol-gatol na sagot ni AJ sa obserbasyon na parang papunta sa loveteam ang tambalan nila dahil bukod sa Taya, sila rin ang magkapareha sa sexy drama movie na Nerisa.

“Huy grabe ka! Iyan ang pinalalabas niya, na ako ang may gusto sa kanya. Siya yung mas may gusto sa akin! Siya yung mas may gusto sa akin!” ang tila nawala sa sariling reaksyon ni Sean.

Bago nagsalita si AJ na “nai-in love” sa kanya ang leading man niya sa Taya, sinabi ni Sean na kumportable sila sa isa’t isa at nagkagaanan ng loob na humantong sa pagiging textmates nila.

Continue reading below ↓

“Naging close talaga kami kasi po alam namin na gagawin namin yung Taya, so nagkagaanan ng loob. Sa sobrang close, naging magkaibigan na po kami.’

Public knowledge na boyfriend ni AJ ang ex-PBB housemate na si Axel Torres, kaya diretsahan ang kanyang deklarasyon na kaibigan lang ang trato niya kay Sean.

“Kami po ni Sean, walang problema. Sobrang okay sa amin kung magkakaroon pa po kami ng susunod na project dahil sobrang comfortable namin sa isa’t isa.

“Si Sean po, parang maituturing ko siya na solid friends kami," ang paglilinaw ni AJ na maagap ang sagot na “Kaibigan lang ang turing ko sa’yo, Sean. Sorry!” nang magsalita si Sean ng “Aminin mo na AJ, may crush ka sa akin!”

Nang marinig ni Sean ang pahayag ni AJ, sinabi na lang niya na “Naging matatag yung pagkakaibigan namin.

“Kahit ganoon yung mga naging eksena [daring lovemaking scenes sa Nerisa at Taya] namin, nandoon pa rin yung limitation namin sa isa’t isa. Sobrang saya ko dahil nakatrabaho ko siya.”

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-level up kaya ang pagkakaibigan nina AJ Raval at Sean de Guzman dahil sa sobrang close nila sa isa't isa?
PHOTO/S: @ajraval on Instagram / @seandeguzman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results