Jerald Napoles, Kim Molina pet dog graduates from obedience school

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2021
Kim Molina and Jerald Napoles (3rd and 4th from left), proudly show off their pet dog Unan's certificate of completion from obedience school. Also with them are Unan's trainers from Milo and Friends

Red-letter day ang July 31, 2021 para sa showbiz couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles dahil naganap ngayon ang graduation ni Little Unan o Unan mula sa isang dog school.

Si Unan ang imported from South Korea na female Mini Bichon Frise pet dog nina Kim at Jerald.

Kim Molina
Jerald Napoles pet dog Unan

Continue reading below ↓

Buhat nang dumating si Unan sa buhay ng dalawa, siya na ang naging sentro ng atensyon at itinuring na tunay na anak nina Kim at Jerald.

“One year-old na si Unan noong July 1 at ka-birthday niya si Kim.

"Nakuha namin siya last year, imported from Korea, sa tulong ng mga kaibigan namin from MiniPet Philippines," ang umpisang kuwento ni Jerald tungkol sa anak-anakan nila ni Kim na kanilang ipinasok sa isang dog school para matuto ng good manners and right conduct.

“Twenty five days ang basic obedience training kay Unan ni Tristan Huertas ng Milo and Friends [Dog School].

“Tinuruan siya ng proper potty training and tricks. Although may mga naituro naman na si Kim sa kanya dahil marunong din si Kim mag- train nang konti, dinala namin siya kay Tristan para matuto siya na mas maging focused.”

Magkano ang tuition fee ni Unan?

“Iba-iba po ang fees nila depende sa laki ng dog. Depende rin sa gustong ipaturo ng owner at kakayahan ng dog," ang sagot ni Jerald na nagkuwento tungkol sa napansin nilang mga pagbabago sa ugali ni Unan nang makatapos ito ng kurso.

Continue reading below ↓

“Consistent na si Unan na mag-poop at pee sa potty tray niya. Magaling na rin siya sa ibang tricks. Puwede na siyang mag -artista para relax na lang kami ni Kim sa bahay,“ ang natatawang sabi ni Jerald.

Pagkatapos ng graduation day ni Unan, umuwi na sila nina Kim at Jerald sa kanilang tahanan. Hindi na nagkaroon ng graduation day celebration ang pamilya nila dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

“Diretso na kami dito sa bahay para i-try yung mga natutunan ni Unan. Ayaw na rin po namin na magbabad sa labas especially may heightened restrictions din naman,” ang responsible "dog father" na paliwanag ni Jerald tungkol sa desisyon nila ni Kim na limitahan ang paglabas mula sa kanilang tahanan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina and Jerald Napoles (3rd and 4th from left), proudly show off their pet dog Unan's certificate of completion from obedience school. Also with them are Unan's trainers from Milo and Friends
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results