Showbiz chika ng socialite host na si Small Laude, patok sa netizens

by Jojo Gabinete
Aug 1, 2021
Sa November 13, 2020 episode ng It's A Small World YouTube channel ng socialite/businesswoman na si Small Laude, napaamin nito si Pops Fernandez tungkol sa kanyang mga nakaraang ex-boyfriends sa showbiz. Ngayon, mapapanood na ang It's A Small World sa Metro Channel bilang 4-part cable TV special simula August 1.

Sina Korina Sanchez at Karen Davila ang dalawa sa mga kaibigan ng socialite, businesswoman at YouTube sensation na si Small Laude na nag-endorso sa It’s A Small World, ang 4-part cable television special na mapapanood sa Metro Channel simula ngayong gabi, August 1, 8:30 pm.

Si Laude ang host ng inspiring at entertaining YouTube Channel na It’s A Small World na mabilis na napagtuunan ng pansin ng netizens dahil sa funny, witty at wacky antics niya sa tuwing nagbabahagi siya sa publiko ng kanyang mga aktibidad.

Ang popularidad ng YouTube vlog ni Laude ang nagbigay ng idea sa Metro Channel para bigyan siya ng sariling show.

Nagustuhan ng mga tao ang sincerity, generosity at down-to-earth attitude ni Laude, lalo na ang makatao at pantay-pantay na trato niya sa kanyang mga kasambahay.

Manghang-mangha ang netizens sa “rich and famous” lifestyle ni Laude tulad ng kanyang shopping spree sa mga high-end store sa Amerika, pero hindi mararamdaman na ipinamumukha niya sa lahat na mayaman ang pamilya nila.

Continue reading below ↓

Small Laude

Mahirap makalimutan ang January 2020 episode ng vlog ni Laude dahil inutusan niyang pumunta sa Hong Kong at umuwi sa Pilipinas (sa loob lamang ng isang araw) ang kanyang yaya para ibili siya ng isang maliit na bote ng sugar cane juice at ng mamahaling hairy crabs.

Continue reading below ↓

Tanging si Laude rin ang effortless na nakapagkumbinsi kay Pops Fernandez na magsalita tungkol sa mga nakarelasyon na aktor.

Pops Fernandez
Small Laude

Kahit sikat na showbiz personality si Pops, hindi ito nagkukuwento tungkol sa kanyang personal na buhay, pero sa November 13, 2020 episode ng It’s A Small World, nagawa ni Laude na paaminin ang singer-actress sa pakikipagrelasyon nito noon kina Jomari Yllana, Aga Muhlach at Brad Turvey.

Continue reading below ↓

Small Laude
Pops Fernandez

Bukod kina Korina, Karen at Pops, mga kaibigan din ni Laude sina Cristina Gonzales, Joy Ortega, Lucy Torres-Gomes, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr. at ang pamilya ni Marjorie Barretto.

Dawn Zulueta
Small Laude
Cristina Gonzales

Continue reading below ↓

Nakababatang kapatid si Laude ng billionaire businesswoman at Sta. Elena Construction owner na si Alice Eduardo, ang number one benefactor ng Walk of Fame, ang project ng pumanaw na television host na si German Moreno.

Small Laude
Alice Eduardo

Naging kontrobersyal ang magkapatid noong January 2019 dahil sa social media rants laban sa kanila ng dating kaibigan nila na si Gretchen Barretto.

Continue reading below ↓

“I have ‘tampuhan’ with her sister but I refuse to say her name because does not fit her. She has a small body but with a big attitude,” ang patutsada noon ni Gretchen laban kay Laude na sinagot nito ng “It’s a lie, it’s slanderous.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa November 13, 2020 episode ng It's A Small World YouTube channel ng socialite/businesswoman na si Small Laude, napaamin nito si Pops Fernandez tungkol sa kanyang mga nakaraang ex-boyfriends sa showbiz. Ngayon, mapapanood na ang It's A Small World sa Metro Channel bilang 4-part cable TV special simula August 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results