Cesar Montano at non-showbiz partner spotted ang sweet moment sa birthday ng aktor

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2021
Ipinagdiwang ni Cesar Montano ang kanyang 59th birthday kasama ang non-showbiz partner na si Kath Angeles at ang kanilang anak na babae.
PHOTO/S: Cesar Montano Facebook

Makabuluhan ang pagdiriwang ni Cesar Montano ng kanyang 59th birthday noong Linggo, August 1, dahil sa kanyang benefit online show para sa mga kababayan nating biktima ng mga pagbaha.

At isa sa highlights ng birthday party ng aktor ay ang paglahok ng kanyang domestic partner na si Maria Socorro "Kath" Angeles.

Cesar Montano and Kath Angeles

Continue reading below ↓

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita ng mga nanood ng online show na karga-karga ng award-winning actor ang batang babae na anak nila ni Kath.

Cesar Montano and Alvin Anson

May sweet moment din ang couple dahil magiliw na hinalikan ni Cesar sa pisngi si Kath nang kantahan siya ng birthday song ng kanyang mga bisita.

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ito ng Facebook followers ni Cesar dahil nasaksihan nila ang maligayang pagsasama ng aktor at ng non-showbiz partner nitong si Kath.

Cesar Montano and non showbiz partner Kath Angeles

BIRTHDAY BASH FOR A CAUSE

Ang online jamming for a cause ni Cesar ay may pamagat na "Umawit at Tumulong with Kuya Buboy," na nagsimula ng alas-kuwatro ng hapon at tumagal ng halos limang oras.

Continue reading below ↓

Nag-post si Cesar ng GCash number sa kanyang Facebook page para sa mga taong nagnanais magbigay ng donasyon habang nagkakantahan sila ng mga kaibigan niya.

Ang American singer na si Keith Martin na may one hit song sa Pilipinas na "Because of You," si Alvin Anson, at ang former Boyfriends member na si Joey Obando ang ilan sa mga kaibigan ni Cesar na lumahok sa online jamming session.

Kabilang naman sina President Rodrigo Duterte at Robin Padilla sa mga bumati kay Cesar ng maligayang kaarawan sa pamamagitan ng kanilang videotaped messages.

Cesar Montano birthday party

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdiwang ni Cesar Montano ang kanyang 59th birthday kasama ang non-showbiz partner na si Kath Angeles at ang kanilang anak na babae.
PHOTO/S: Cesar Montano Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results