John Regala umapela sa TV networks na bigyan siya ng trabaho

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2021
John Regala: “Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman [umarte] dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po.”
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Muling dumaranas ng depression ang character actor na si John Regala dahil sa kanyang karamdaman at sa matinding kagustuhan niyang muling umarte sa telebisyon at pelikula.

Nagsusumamong apela niya: “Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman [umarte] dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po.”

Sabik na sabik nang magtrabaho si John, pero imposible pa itong mangyari.

Nang mapag-usapan ang kanyang sakit, sabi ni John, “Ang hiling ko lang sa Diyos, sana huwag na Niya akong pahirapan pa kung kukunin na Niya ako.

“Okey lang po ako ngayon at nagpapalakas. Alam ko na wala nang kagalingan ang aking sakit ngunit inuubos ko na lang ang aking lakas sa paglilingkod sa Diyos.

“Nandito lang po ako sa aking condominium unit at naghihintay ng pagkakataong makabalik sa pelikula.”

Matagal nang hindi nagtatrabaho si John na mapalad dahil marami ang tumutulong para mabili niya ang mga pang-araw-araw na gamot na kanyang kailangan.

Continue reading below ↓

“May ilang loyal supporters na tumutulong sa akin, lalo na ang Iglesia Ni Cristo na hindi ako pinababayaan sa panahon ng pandemya.

"Pero ang pag-arte sa mga pelikula at teleserye ang mga bagay na inaasam-asam na muling maranasan ang hiling ko lang.

“Maraming-maraming salamat sa mga tao na patuloy na naniniwala sa akin at nananalangin para sa akin.

“Maraming salamat din sa mga sa tao na tumutulong at sumusuporta sa akin. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, baon-baon ko kahit saan ako makarating ang kagandahang-loob n’yo sa akin,” pasasalamat ni John.

Nadagdagan ang nararamdamang kalungkutan dahil sa pagkamatay noong July 25 ng kanyang estranged father na si Mel Francisco.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Regala: “Pakiusap ko lang po sana sa mga television network, bigyan niyo naman ako ng trabaho. Kaya ko pa naman [umarte] dahil ito ang makapagpapasaya sa akin. Maraming salamat po.”
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results