Sharon Cuneta, gustong makatrabaho si Jerald Napoles; tinawag na "genius" si Direk Darryl Yap

by Jojo Gabinete
Aug 6, 2021
Nagbigay ng papuri ang Megastar na si Sharon Cuneta sa aktor na si Jerald Napoles (kaliwa) at sa kanyang direktor sa Revirginized na si Darryl Yap (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Parang nanalo sa lotto si Jerald Napoles nang makarating sa kanya ang sinabi ni Sharon Cuneta sa media conference ng Revirginized noong Miyerkules, August 4.

Ikinuwento ni Sharon na pinanood nito ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam at nagustuhan niya ang pelikula nina Kim Molina at Jerald.

Sabi ni Sharon, “In Ang Babaeng Walang Pakiramdam, yun pala ‘yon. In the end, lumabas lahat ng emosyon.

"Saka fan ako ni Jerald Napoles since teatro pa ‘yan. Alam ni Jerald ‘yan.

"Di ba, Direk [Darryl Yap, Revirginized director], humihingi ako ng project na kasali si Jerald? I really mean that from my heart."

Reaksiyon ni Jerald, "Wooow! I-screen record!"

Tuwang-tuwa at umaasa ang aktor na mangyayari ang pagsasama nila ni Sharon sa isang proyeko.

Nabanggit ni Sharon ang paghanga nito kay Jerald nang magsalita siya tungkol sa mga nakaraang pelikula ni Darryl na kanyang pinanood.

Aniya tungkol sa direktor, “I love his movies. Napanood ko na yung Pornstar, napanood ko na yung Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang galing-galing. Panonoorin ko pa yung iba.

Continue reading below ↓

"Tatapusin ko yung buong filmography ni Direk Darryl, hindi lang dahil kaibigan ko siya kundi dahil bilib ako sa kanya kahit medyo kontrobersiyal lagi.

“I think people are just momentarily shocked in the beginning kapag nakikita ang trailers niya o mga title ng mga pelikula niya.

“You have to remember that this is a filmmaker. You have to know because a lot of you don’t know him like I have gotten to know him as a director, a co-worker, and now a friend. A director who also writes his own pictures.

“And actually, I have to add, has a genius IQ which isn’t always useful when you’re not creative."

Patuloy ni Sharon, “Direk knows how to touch people’s hearts in a way, in many different ways that maybe none of us have seen before in other works.

“To me, he’s a breath of fresh air. I respect his genius. I respect his courage dahil matapang niyang ipinaglalaban ang mga proyekto niya dahil alam niyang may sense.

Continue reading below ↓

“Sa Babaeng Walang Pakiramdam, kung titingnan mo simple, but if you’re smart enough and you look deeper, you will see how his brain works in the movies that he makes because, in the end, everything hits you somewhere sa emosyon mo.

"And it goes deep inside some part of your heart. It stays with you.

"In Ang Babaeng Walang Pakiramdam, I was touched by that.

"In Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, na-touch ako na parang, in the end, commodity ka lang.

"Kung titingnan mo bastos, but in the end, makikita mo na hindi madali ang dinadaanan ng bold star o ng pornstar. Na ang tingin sa kanila, karne."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng papuri ang Megastar na si Sharon Cuneta sa aktor na si Jerald Napoles (kaliwa) at sa kanyang direktor sa Revirginized na si Darryl Yap (kanan).
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results