Sam, Daryl, Katrina, Janine nangangamba sa epekto ng ECQ sa concert

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2021
Ipinagdarasal ng mga singers na sina Sam Concepcion, Katrina Velarde, Janine Teñoso at Daryl Ong na suportahan pa rin ng Pinoy concert fans ang kanilang digital concert na Four Hearts na gaganapin sa August 28, sa kabila ng nationwide ECQ.

Nagsimula noong Biyernes, August 6, at magtatagal hanggang sa August 20, 2021 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 Delta variant.

Magaganap sa August 28 ang Four Hearts, ang digital concert nina Janine Teñoso, Daryl Ong, Sam Concepcion at Katrina Velarde kaya tinanong namin sila kung magiging pabor ba sa show nila ang ipinatutupad na ECQ.

Katrina Velarde
Sam Concepcion
Daryl Ong
Janine Tenoso

Continue reading below ↓

Nagsalita si Katrina na nalulungkot siya dahil marami ang muling mawawalan ng trabaho habang pinaiiral ang ECQ, pero pabor umano ito sa show nila.

“It’s really sad but for me, magiging pabor kasi yung ibang walang mga ginagawa, na hindi makaka-work ay makakapanood. Pero yung iba naman na gustong bumili ng tickets, tapos ang source nila is through work, yun ang medyo nakaka-sad. Baka hindi pumabor,” ang reaksiyon ni Katrina, kasunod ang pag-amin na naguluhan din siya sa kanyang mga sinabi.

Sumang-ayon si Janine sa pahayag ni Katrina kaya halos hindi nagkakaiba ang kanilang mga sagot.

Ani Janine, “Hindi favorable yung pagkawala ng mga job during ECQ, but I think sa mga tao na privileged enough to buy tickets for their own entertainment, it would be good.”

Makatulong sana sa digital concert nila ang ECQ, ang hiling naman ni Daryl na hati rin ang opinyon tungkol sa isyu.

“Sana maging favorable. Yun lang ang masasabi ko, kasi half and half.

Continue reading below ↓

“Magkakaroon ng maraming time [ang mga tao] para manood, pero maaapektuhan naman yung source nila ng pambili ng tickets.

“Sana maka-affect in a good way yung magkakaroon na naman ng ECQ. Sana, maraming manood ng Four Hearts,” dasal ng binata.

Para naman kay Sam, ang advantage ng mga digital concert ay bukod sa mura ang tickets, mas marami ang makakapanood sa kanila.

Paninigurado ni Sam, “Mas malaki ang reach natin. You don’t have to be just in the Philippines kung manonood ka ng Four Hearts. It opens up new doors also to different countries, different performers and endless din ang possibilities na puwede ka mag-connect with other artists online.”

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdarasal ng mga singers na sina Sam Concepcion, Katrina Velarde, Janine Teñoso at Daryl Ong na suportahan pa rin ng Pinoy concert fans ang kanilang digital concert na Four Hearts na gaganapin sa August 28, sa kabila ng nationwide ECQ.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results