69+1 star Rose Van Ginkel, "big thing" para sa kanya ang pandemya

by Jojo Gabinete
Aug 10, 2021
Rose Van Ginkel: "Hindi po ako nagpapa-vaccine kasi hindi po ako mahilig sa gamot. Ang pagkakakilala ko sa gamot, para sa mga may sakit, so magte-take lang ako ng gamot kapag may sakit ako."
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram

Dumalo sina Ella Cruz at Baron Geisler sa COVID-19 vaccination event sa SM Megamall Mega Trade Hall, Mandaluyong City, noong Huwebes, August 5.

Hinikayat nila ang ating mga kababayang magpabakuna bilang proteksiyon laban sa coronavirus.

Hindi nagdalawang-isip sina Ella at Baron na tanggapin ang imbitasyong suportahan ang MandaVax , ang vaccination project ng Mandaluyong City government, dahil ito ang tumulong sa kanila para maturukan ng COVID-19 vaccine noong buwan ng Hunyo at Hulyo.


Continue reading below ↓

Ella Cruz and Baron Geisler

Kung fully vaccinated na sina Ella at Baron ng COVID-19 vaccine, hindi pa nagpapabakuna ang kanilang fellow Viva Artists Agency star na si Rose Van Ginkel.

Ang sexy-comedy movie na 69+1, na pinagbibidahan din nina Janno Gibbs at Maui Taylor, ang launching movie ni Rose.

Sa naganap na digital media conference ng 69+1 ngayong Martes ng hapon, August 10, ang COVID-19 vaccination ang isa sa mga napag-usapan.

Ikinagulat ng entertainment press at ng kanyang co-stars ang dahilan ng hindi pa pagpapabakuna ni Rose.

Ito ay sa kabila ng dumarami muling kaso ng COCID-19 dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

“Hindi po ako nagpapa-vaccine kasi hindi po ako mahilig sa gamot. Ang pagkakakilala ko sa gamot, para sa mga may sakit, so magte-take lang ako ng gamot kapag may sakit ako.

“Kahit may sakit din ako, parang hindi ako agad-agad nagte-take ng gamot. So, hangga’t kaya kong maggamot, hindi po talaga.

Continue reading below ↓

“Since may vaccine po, iniisip ko na wala naman akong sakit, bakit ako magpapa-vaccine?” paliwanag ni Rose.

Dahil dito, nagkapagsalita si Janno ng “Aha, anti-vaxxer ka, anti-vaccine ka.”

Hinihikayat ng gobyerno at ng nakararami ang lahat na magpabakuna upang mapabilis ang pagkakaroon ng herd immunity bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Sa kabila ng kakaibang paniniwala niya tungkol sa COVID-19 vaccine, sinabi ni Rose na "big thing" sa kanya ang pandemya dahil nagkasunud-sunod ang mga pelikula niya mula sa Gusto Kong Maging Pornstar, Gluta, Revirginized, at 69+1.

Aniya, “Ito nga, nang mangyari ang pandemic na 'to, parang naging big thing siya sa akin kasi dito ulit ako nag-start na lumabas.

"Itong pandemic thing, isa po ito sa blessing na dumating sa akin dahil ang daming nangyari.”

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Van Ginkel: "Hindi po ako nagpapa-vaccine kasi hindi po ako mahilig sa gamot. Ang pagkakakilala ko sa gamot, para sa mga may sakit, so magte-take lang ako ng gamot kapag may sakit ako."
PHOTO/S: @babyginkel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results