Watch Now

Mayor Isko Moreno, ipinagtanggol nina Karen Davila at Governor Jonvic Remulla sa "blind item" ni Pangulong Duterte

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2021
Hindi pa sumasagot si Mayor Isko Moreno (nasa larawan) kaugnay ng "blind item" ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinaw na tumutukoy sa kanya, pero nakahanap siya ng kakampi sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila at kay Cavite Governor Jonvic Remulla.
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook

Sina Karen Davila at Cavite Governor Jonvic Remulla ang dalawa sa mga kilalang personalidad na ipinagtanggol si Manila City Mayor Isko Moreno laban sa “blind item” ni President Rodrigo Duterte tungkol sa isang alkalde.

Sabi ng Pangulo sa kanyang televised public address noong Lunes, August 9: “Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga—mga padrama magsalita pati kung…

"Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang naka-bikini ang gago, tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya yung ari niya.

“Iyan ang gusto ninyo? Ang training—ang training parang…para lang, parang call boy.

"Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini tapos yung garter tinatanggal niya, hinila niya tiningnan niya yung…

"Dapat magsali… magsama sila ni ano ni Paredes."

Si Jim Paredes, ang veteran singer na may scandal video na kumalat noong April 2019, lamang ang binanggit ni Duterte.

Hindi binanggit ng Pangulo ang mayor na kanyang tinutukoy.

KAREN DAVILA

Ang blind item ni Duterte ang nag-udyok kay Karen Davila para magkomento ito sa kanyang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatanggol ng ABS-CBN broadcaster kay Mayor Isko, “Galing sa matinding hirap si Isko Moreno. Kailanman di niya ipinagkaila ang kanyang pinanggalingan.

"He has tried to better himself through the years & succeeded.

"Sana lang wala nang ganitong pangiinsulto sa kapwa porket kalaban sa 2022."

GOVERNOR JONVIC REMULLA

Bilang pagtatanggol kay Isko, naglabas din ng opinyon si Governor Jonvic Remulla tungkol sa isyu sa pamamagitan ng Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Governor Jonvic: “Kahit kailanman ay hindi ipinagkaila ni Yorme ang kanyang nakaraan. Siya ay batang Tondo at nagsimula sa wala. Isang kahid, isang tuka.

“Noong dekada ’90, siya ay sumabak sa larangan ng showbiz bilang si “Isko Moreno.” Malamang ay marami sa inyo ang nakakaalala sa That’s Entertainment.

“Sa palagay ko, ang nais lamang ni Yorme noong mga panahon na iyon ay ang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

“Dahil sa kanyang pag-aartista, hindi maiiwasang maraming sensitibong larawan ang nagkalat sa internet ngayon. Ngunit lahat ng ito ay kuha noong siya ay nagsisimula pa lamang.

“YORME DID NOT DO THOSE PROVOCATIVE POSES WHILE IN OFFICE AS A RESPECTED COUNCILOR, VICE MAYOR OR AS THE CURRENT MANILA MAYOR.

“He was very young then. I am sure the limelight was quite tempting for a young lad from a very poor background. And why not? The opportunity for him to earn a living was readily available.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To not take advantage of such privilege would have been foolish.

“Kung ako ang tatanungin ninyo? Hindi ito isyu. What’s important is that Yorme NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever brought shame to the great people of Manila as a Public Servant."

Isinangkot din ng Cavite governor ang sarili para igiit ang kanyang nais ipunto.

Saad niya, “We were all young and foolish once. I also had my cringe-worthy moments (ask my wife).

But ... NEVER have I ever brought dishonor to my office.

“Ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kanyang kakayanan bilang Serbisyo Publiko at hindi paninira lamang base sa kanyang nakaraan o noong siya ay bata pa. Wala naman siya sa kapangyarihan o posisyon noong mga panahon na iyon.

“Hindi tama na tapak-tapakan ang nakaraan, paninindigan at reputasyon ng isang taong wala namang kalaban-laban.

“Ang paghuhusga ay ilaan na lamang po natin sa mga taong lumabag sa batas o siyang mga nagtraydor sa bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yorme did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy in photos.

“Eh kung sexy lang din ako at pogi noong araw? Ala-Richard Gomez? Malamang nag-showbiz na din ako (joke lang po at hindi naman ako marunong umarte).

"Anyways, Yorme should not be judged on such juvenile merits. Let his record of governance speak for itself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MALACAÑANG'S DENIAL

Nagsalita na sina Karen at Governor Jonvic, at marami na rin ang sumawsaw sa isyu.

Pero may mga nagtataka dahil hindi pa pumapatol at hindi pa nagsasalita si Mayor Isko tungkol sa mga maaanghang na pananalita ni Duterte laban sa kanya.

Sa showbiz, hindi pinapatulan ng mga artista ang mga blind item, kahit bigay na bigay ang mga clue, dahil kapag nag-react sila, guilty agad ang hatol sa kanila (#ShowbizLesson 101).

Alam na alam ito ni Isko na produkto ng entertainment industry at gamay na gamay ang kalakaran sa mundo na kanyang pinagmulan.

Walang binanggit na pangalan si Duterte, at kahit hindi pa man sumasagot si Isko, may denial agad ang Malacañang Palace.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “I don’t know why you are bringing up the name of Isko Moreno. I don’t know that he was the one doing sexy poses.”

Dahil sa sinabi ni Roque, may sapat na dahilan talaga ang alkalde ng Maynila na huwag sagutin at i-dignify ang blind item ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka kasi magkaroon pa ng brilliant excuse na “kayo ang nagpangalan kay Isko, hindi ang Pangulo.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa sumasagot si Mayor Isko Moreno (nasa larawan) kaugnay ng "blind item" ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinaw na tumutukoy sa kanya, pero nakahanap siya ng kakampi sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila at kay Cavite Governor Jonvic Remulla.
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results