John Gabriel, walang nakikitang masama sa madalas na pagsasama nila ni Joaquin Domagoso

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2021
John Gabriel (left) on Joaquin Domagoso: "Masuwerte po akong nakilala ko at naging friend ang isang Joaquin Domagoso. Kahit ganun ang status niya sa buhay, he remains to be humble and very down to earth."

Walang nakikitang mali ang newcomer na si John Gabriel sa madalas na pagsasama nila ni Joaquin Domagoso.

Pareho silang mga alaga ng talent manager na si Wowie Roxas ng BMW8 Entertainment.

Si Joaquin ang panganay na anak ni Manila City Mayor Isko Moreno, at parang kapatid ang trato sa kanya ni John.

Saad ni John, “Madalas po kaming nagkakasama ni Joaquin dahil nasa iisang management company po kami. We’re like brothers.

“Siguro po, hindi naman masama na kung may projects na puwede rin akong maisama, bakit po hindi, hindi ba?

“In fairness naman po, may mga pelikula na akong nagawa na hindi kami magkasama.

"First time po namin ni Joaquin na magkasama sa Caught In The Act, and I am very thankful."

Dagdag niya, “Masuwerte po akong nakilala ko at naging friend ang isang Joaquin Domagoso.

"Kahit ganun ang status niya sa buhay, he remains to be humble and very down to earth.

Continue reading below ↓

“And since we are on the same stable of artists po, I also hope of more collaborations with him in the future.”

Dahil magkaibigan sila ni Joaquin, nagkaroon na rin ng pagkakataon si John na makilala nang personal si Mayor Isko.

Lahad ni John, “I met Yorme Isko na po, several times na rin.

"I remember him telling me po to always listen sa mga taong matagal na sa industriya at huwag ko kalimutan ang mga taong nakasama ko sa pagsisimula. Na huwag ako magbabago and to always pray."

LAUNCHING HIS SHOWBIZ CAREER DURING PANDEMIC

Nagsimula ang showbiz career ni John nang mag-umpisa ang coronavirus pandemic noong nakaraang taon, kaya malaki ang kanyang pasasalamat dahil nagkaroon siya ng mga movie at recording project sa kabila ng mahirap na sitwasyon.

Pahayag ng newcomer, “I consider myself lucky dahil kahit may pandemic ay nagkaroon ako ng mga project dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon.

Continue reading below ↓

“Sa tulong po ni Daddie Wowie, nabigyan po ako ng chance na magkaroon ng mga pelikula, recording, product endorsement, at TV guesting.

"To date po, tatlong movies na po ang natapos ko."

Kabilang dito ang launching movie nina Rita Daniela at Ken Chan na Ang Huling Ulan sa Tag-Araw.

Nakaeksena naman niya ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida.

Ipinu-promote naman ngayon ni John ang bagong niyang "Bakit Ba?" na follow-up sa debut single niyang "O Pilipina."

Aniya, “Ang 'Bakit Ba?' is a ligaw song. A song for someone na nililigawan mo at naghihintay ka ng sagot mula sa kanya.

"The song has two versions, mellow and upbeat.

“'Bakit Ba?' and 'O Pilipina' ay pareho na may rap part, which I think is really my forte.”

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Gabriel (left) on Joaquin Domagoso: "Masuwerte po akong nakilala ko at naging friend ang isang Joaquin Domagoso. Kahit ganun ang status niya sa buhay, he remains to be humble and very down to earth."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results