Sheryl Cruz, mas "demonstrative" sa lihim na relasyon nila ni Jeric Gonzales?

by Jojo Gabinete
Aug 13, 2021
Sheryl Cruz at Jeric Gonzales, hindi pa handang isapubliko ang kanilang relasyon?
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram

Nagsimula ang balitang nagkakamabutihan sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales nang magkasama sila sa Magkaagaw, ang afternoon drama series ng GMA-7 na napanood mula October 21, 2019 hanggang March 31, 2021.

Pero itinanggi nila ang isyu.

Lalong lumakas ang mga haka-hakang totoo ang rumored relationship nina Jeric at Sheryl dahil sa Instagram post ng 47-year-old actress noong July 19, 2021.

"Kiliiigggg To The Bones" na may mga hashtag na #PasalubongFromBaguio, #ThankYou, #LoveYou, at #blessedandgrateful ang caption ni Sheryl sa mga larawan ng mga produktong mula sa Baguio City na pasalubong sa kanya ng isang taong hindi niya binanggit ang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hinihinalang si Jeric ang pinasalamatan ni Sheryl dahil nanggaling ang aktor sa naturang lugar noong mga panahon na iyon.

Kalakip ng IG post ni Sheryl ang litrato ng dalawang tumbler ng kape mula sa isang popular coffee shop na may pangalan nila ni Jeric.

Dahil dito, lalong pinaniwalaang patuloy ang kanilang napapabalita at inililihim na relasyon, kahit apat na buwan na ang nakalilipas mula nang magpaalam sa telebisyon ang Magkaagaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang very recent interview kay Jeric, inamin nitong nagpunta siya sa Baguio City noong July 2021. Pero mariing pinabulaanan ng 29-year-old actor na binigyan niya si Sheryl ng mga pasalubong.

Matagal nang hiwalay si Sheryl sa kanyang asawa na si Norman Bustos, at walang ibang babaeng nauugnay kay Jeric.

Kaya palaisipan sa mga supporter ng Team JerRyl ang patuloy na pagtanggi ng aktor na may relasyon sila ng seasoned actress.

Kung tikom ang bibig ni Jeric, mas demonstrative si Sheryl sa paglalabas sa social media ng kanyang nararamdaman para sa aktor.

Consistent siya sa paggamit ng mga hashtag #Superman, #TakeMeHome, #ImAlreadyYours, #Mine, at #BabyAndBabe.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahiwatig ang mga itong totoo ang relasyon nila, pero hindi pa sila handang aminin sa publiko ang kanilang pagmamahalan.


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz at Jeric Gonzales, hindi pa handang isapubliko ang kanilang relasyon?
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results