Jerald Napoles napamura sa papuri sa kanya ni Sharon Cuneta

Aug 15, 2021
Sharon Cuneta: "Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito!"
PHOTO/S: YouTube

Isang linggong nag-number one sa Top Ten Content ng streaming site na Vivamax ang Revirginized ni Sharon Cuneta.

Maligayang-maligaya ang Megastar at nagtatanong na ng sequel dahil may strong clamor mula sa kanyang fans.

Nagsimula ang streaming ng Revirginized noong August 6.

Sa digital presscon ng pelikula noong August 4, sinabi ni Sharon ang masidhing kagustuhan nitong makasama sa isang project si Jerald Napoles. Fan daw kasi siya ng boyfriend ni Kim Molina.

Sina Jerald at Kim ang mga bida sa Ikaw at Ako at Ang Ending, ang pelikula ng direktor na si Irene Emma Villamor na tumatanggap ng mga papuri mula sa film critics.

Nag-umpisa ang streaming ng Ikaw at Ako at Ang Ending sa Vivamax noong August 13.

Nitong Sabado, August 14, number one na ang pelikula nina Kim at Jerald. Pumapangalawa naman ang Revirginized.

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado ng umaga, muling inulit ni Sharon ang paghanga niya kay Jerald.

Continue reading below ↓

Sabi ng Megastar, “This is SO TRUE. I have been a fan of Jerald Napoles @iamjnapoles since I watched him in a stage musical with my sister @pinaypole Ciara Sotto!

“Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko sya makasama sa work. Now naka-put-in na officially ang request ko kay Direk Daryll Yap @vincentimentsofficial @direkdarrylyap at pinaaalam ko po sa @vivamaxph @viva_films @starcinema @abscbn @erikmatti @dondonmonteverde at sa buong mundo!

“Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si @kimsmolina din napakahusay sana makasama ko din sya!

"Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you and Kim, Jerald!"

Continue reading below ↓

Napamura naman si Jerald sa reaksiyon niya sa mensahe ni Sharon para sa kanya.

Sabi ng aktor, “TANGENA !!! WHAAAAT !? Ma’am!! Grabe naman ‘tong sinabi n’yo!!! Pucha di ko alam sasabihin ko. Iyak muna ko MARAMING SALAMAT PO !”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito!"
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results