Watch Now

Former LOL creative manager Robin Sison hindi ikinatuwa ang biro ni Vice Ganda sa "katok" issue

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2021
Robin Sison (left) on Vice Ganda's joke: “Hindi siguro nila naramdaman na medyo sensitibo ang isyu kaya hindi magandang gawing katawa-tawa. I have nothing against Vice or It’s Showtime people dahil may mga kaibigan din ako doon."
PHOTO/S: Robin Sison / YouTube

Napanood ni Robin Sison ang pagbibiro ni Vice Ganda sa August 12 live episode ng It’s Showtime tungkol sa isyu ng pangangatok ng pinto kaya raw nagkakagulo sa kabilang programa.

Si Robin ang former creative manager ng Lunch Out Loud, ang noontime show ng Brightlight Productions at TV5, at katapat ng It's Showtime ng ABS-CBN.

Hindi ni-renew ang kontrata ni Robin dahil sa akusasyong harassment at isyu ng abuse of authority. Diumano, kumakatok siya sa pinto ng kuwarto ng female writers ng show.

Mariin itong pinabulaanan ni Robin.

Hindi ikinatuwa ni Robin ang birong binitiwan ni Vice.

Para sa kanya, maselan ang isyung hindi dapat ginagawa na katatawanan. Pero hindi raw niya sinisisi ang TV host-comedian.

Pahayag ni Robin sa Cabinet Files, “Napanood nga namin lahat. Wala naman kaso na na-pick up nila ang isyu.

"Sana lang, hindi na ginawang katatawanan, kasi hindi naman for entertainment ang mga bagay na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko gugustuhing mangyari kahit kanino ang nangyari sa akin dahil masakit talaga siya."

May pakiusap din si Robin sa netizens na binabatikos ang para sa kanila'y "insensitive joke" ni Vice Ganda.

Ayon sa dating creative manager ng Lunch Out Loud, "Huwag na lang husgahan si Vice dahil naiintindihan ko namang komedyante siya at maaaring hindi rin naman nila alam ang buong istorya.

“Hindi siguro nila naramdaman na medyo sensitibo ang isyu kaya hindi magandang gawing katawa-tawa.

“I have nothing against Vice or It’s Showtime people dahil may mga kaibigan din ako doon.

"Masakit din sa akin na may mga taong naba-bash dahil sa isyu na ito. God bless everyone of us."

Si Robin ay matagal naglingkod bilang writer sa mga top-rating show ng ABS-CBN.

Kasama rito ang 'Sang Linggo nAPO Sila, Wowowee, Game KNB?, Teysi ng Tahanan, Kaya Ni Mister Kaya Ni Misis, Bida Si Mister Bida Si Misis, Tarajing Potpot, Klasmeyts, Yes Yes Show, Quizon Avenue, Wazzup Wazzup, Gudtaym, Pinoy Big Brother, at Laugh Out Loud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Sison (left) on Vice Ganda's joke: “Hindi siguro nila naramdaman na medyo sensitibo ang isyu kaya hindi magandang gawing katawa-tawa. I have nothing against Vice or It’s Showtime people dahil may mga kaibigan din ako doon."
PHOTO/S: Robin Sison / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results