Dating aktres na si Hilda Koronel, nagkaroon ng rare public appearance sa Amerika

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2021
hilda koronel then and now
Then And Now: Hilda Koronel is still considered one of the most beautiful faces in the Philippine entertainment industry. She is now based in California with her American husband and their children.
PHOTO/S: File / Oliver Carnay

Thirteen years old ang award-winning actress na si Hilda Koronel nang mag-umpisa ang kanyang acting career sa Santiago, ang pelikula ng Lea Productions na pinagbibidahan ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Ipinalabas ang Santiago sa mga sinehan noong November 13, 1970.


Nang sumunod na taon, 1971, si Hilda ang nanalong best supporting actress sa 19th FAMAS Awards. Tinalo niya ang mga veteran actress na sina Katy dela Cruz, Caridad Sanchez, at Linda Martin.

Continue reading below ↓


FAMAS 1971 winners: (from left) Eddie Garcia, Best Actor for Tubog Sa Ginto; Rita Gomez, Best Actress for Bakit Ako Pa?; Hilda Koronel, Best Supporting Actress for Santiago; and Amado Cortez, Best Supporting Actor for Bakit Ako Pa?

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga pelikula ni Hilda, nadagdagan ang kanyang acting awards, naging paboritong aktres ng batikang direktor na si Lino Brocka, at kinilala bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa Philippine entertainment industry.

Kabilang sa mga pelikula ni Hilda na idinirek ni Brocka ay Santiago, Stardoom, Tubog sa Ginto, Insiang, Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag, Hayop sa Hayop, PX, at Angela Markado.

Ayon sa U.S.-based Filipino talent manager na si Oliver Carnay, nagplano si Hilda na magkaroon ng special screening ng Kung Mangarap Ka’t Magising noong 2020 bilang paggunita sa 50th anniversary ng kanyang acting career. Pero hindi ito nangyari dahil sa coronavirus pandemic.

Ang Kung Mangarap Ka’t Magising ang 1977 film nina Hilda at Christopher de Leon na mula sa direksiyon ni Mike de Leon, at official entry ng LVN Films sa 3rd Metro Manila Film Festival.


Continue reading below ↓

Christopher de Leon and Hilda Koronel in Kung Mangarap Ka't Magising

Matagal nang hindi aktibo sa pag-arte si Hilda.

Ang The Mistress (2012) ang kanyang huling pelikula, at ang Ikaw ang Lahat Sa Akin (2005) ng ABS-CBN ang last TV assignment niya.

RARE PUBLIC APPEARANCE

Permanent California resident na si Hilda at ang kanyang asawang si Ralph Moore Jr., na pinakasalan niya noong 2000.

Susan Reid ang tunay na pangalan ni Hilda, at kilala na siya ngayon bilang Mrs. Susan Moore.

Kahit private citizen na siya sa Amerika, marami pa ring fans si Hilda.

Nagkaroon ng rare public appearance si Hilda noong August 14 nang ipakilala siya, kasama si Ruffa Gutierrez, bilang celebrity endorser ng iSkin MedSpa, ang beauty clinic sa Beverly Hills, California na pag-aari ng Filipino couple na sina Imee at Richard Maghanoy.

Continue reading below ↓

Hilda Koronel (right) with Ruffa Gutierrez (left) and Imee Maghanoy (center)

“Mabait siya, napakabait at napakaganda niya. Marami pa rin siyang fans dito sa Amerika,” kuwento ni Oliver tungkol sa pagtatagpo nila ni Hilda noong Sabado ng gabi sa Beverly Hills.

Ipinahiram ni Oliver sa PEP.ph ang mga larawan ni Hilda na kuha niya para sa Filipino fans na interesadong makita ang hitsura ngayon ng aktres, na may classic beauty at magandang-maganda pa rin sa edad na 64.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Then And Now: Hilda Koronel is still considered one of the most beautiful faces in the Philippine entertainment industry. She is now based in California with her American husband and their children.
PHOTO/S: File / Oliver Carnay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results