Ano ang masasabi ni Maui Taylor sa intimate scenes nila ni Rose Van Ginkel sa 69+1?

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2021
Maui Taylor (right) on giving support to newcomer Rose Van Ginkel (left): "Kasi lahat naman ng mga artista, gustong dumating sa point na ma-launch sila and have their solo career. Ako naman, tapos na ako diyan. I’ve been there. So, ibigay natin itong moment na ‘to para kay Rose. Let’s let her shine on her own."
PHOTO/S: Viva Films

Hindi pumanig si Maui Taylor sa sinabi ni Janno Gibbs sa digital media conference ng 69+1 na hindi siya nakaramdan ng malisya sa love scenes nila dahil sa mga kamerang nakatutok at sa mga tao sa kanilang paligid.

Reaksiyon ni Maui, “Sa lahat ng mga leading man ko, nakaramdam ng malisya kahit maraming kamera, so hindi ko ma-justify yung sinasabi mo.”

Pero hindi na nagbanggit ng pangalan ang dating Viva Hot Babes member kung sinong mga aktor ang kanyang tinutukoy.

Pero nang tanungin siya ni Janno tungkol sa intimate scenes nila ni Rose Van Ginkel, na gumanap na girlfriend ni Maui sa 69+1, mabilis ang sagot ng aktres.

Sabi ni Maui, “Siyempre pag bago, masarap, ‘yan ang masasabi ko.”

Tungkol sa polyamorous relationship ang kuwento ng 69+1.

Ito ang pangalawang beses na nakatrabaho ni Maui si Rose dahil unang nagkasama ang dalawa sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Dating nagbibida si Maui sa mga sexy movie, pero hindi siya nag-atubiling suportahan si Rose sa 69+1 dahil alam niya ang pakiramdam ng mga baguhang artista.

Continue reading below ↓

“Ang dami ko nang nasuportahan sa mga launching film nila, and si Rose, kasama ko sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

“Nang sinabi sa akin ni Darryl Yap [direktor ng 69 +1] yung plano niya for Rose, siyempre natuwa ako for her.

"Kasi lahat naman ng mga artista, gustong dumating sa point na ma-launch sila and have their solo career.

“Ako naman, tapos na ako diyan. I’ve been there.

"So, ibigay natin itong moment na ‘to para kay Rose. Let’s let her shine on her own."

Ayon kay Maui, madalas at madaling ma-stress si Rose bago kunan ang kanilang mga maseselanng eksena nila kaya hindi siya nagkulang ng paalala sa co-star nila ni Janno.

“Palagi ako nagga-guide kay Rose. I always tell her na, 'If there’s anything that you don’t want to do, you can just say no.'

"Pareho kami ni Kuya Janno ng advice sa kanya.

"It wasn’t, like before, wherein you had no choice. But now, you have a choice. You could always say no.

Continue reading below ↓

“I always tell her, 'You check first how it’s going to be done and if you cannot do it, just say no. It’s a simple as that.'”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maui Taylor (right) on giving support to newcomer Rose Van Ginkel (left): "Kasi lahat naman ng mga artista, gustong dumating sa point na ma-launch sila and have their solo career. Ako naman, tapos na ako diyan. I’ve been there. So, ibigay natin itong moment na ‘to para kay Rose. Let’s let her shine on her own."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results