Sarah Geronimo life story sa Magpakailanman noong 2003, ibinalik ng GMA-7 sa YouTube

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2021
Muling mapapanood ng fans ni Sarah Geronimo ang kuwento ng pagsisimula ng kanyang singing career dahil nasa YouTube channel na ng GMA-7 ang life story niya na itinampok sa Magpakailanman noong 203/
PHOTO/S: GMA Network

Ang Magpakailanman ng GMA-7 ang unang naglabas ng isinadulang life story ni Sarah Geronimo.

Ipinalabas iyon noong June 19, 2003.

Kahit matagal na panahon na ang nakalilipas, interesado pa rin ang publiko sa nakaraan ng Popstar Royalty.

Mula noong August 12, 2021, napapanood sa YouTube channel ng GMA-7 ang episode ng Magpakailanman tungkol sa pag-uumpisa ng showbiz career ni Sarah.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 1.4 million views at 2,806 comments.

Si Kyla ang gumanap na Sarah.

Sina Michael de Mesa at Teresa Loyzaga naman ang mga nagbigay-buhay kina Delfin at Divine, ang mga magulang ng singer-actress.


Continue reading below ↓

Ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ang katapat na programa ng Magpakailanman.

Noong 2003, sa kauna-unahang pagkakataon, tinalo ng drama anthology ni Mel Tiangco ang show ni Charo Santos-Concio sa ratings game dahil mas pinanood ng mga tao ang kuwento ng buhay ni Sarah.

Makikita sa 17-year-old episode ng Magpakailanman ang transformation ni Sarah, na neneng-nene dahil 14 years old lamang ito nang makapanayam ni Mel tungkol sa pagsisimula ng kanyang career.

Bukod sa mataas na rating, gumawa si Sarah ng kasaysayan sa Magpakailanman dahil ibinida ni Mel na si Sarah ang pinakabata sa mga life story na itinampok ng nabanggit na programa.

Noon pa man, mapagmahal at masunurin na anak si Sarah sa mga magulang nito dahil sa payo na kanyang ibinahagi para sa mga kabataan na kagaya niya.

Mensahe ni Sarah, “Laging susunod sa magulang kasi ang magulang po, laging tama ang iniisip nila para sa atin.

"Yun nga po, gusto kong pasalamatan yung parents ko, yung family ko sa pagsuporta po nila sa akin, kahit noong times na walang-wala na po talaga kami. Nangungutang po yung parents ko para sa mga audition."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling mapapanood ng fans ni Sarah Geronimo ang kuwento ng pagsisimula ng kanyang singing career dahil nasa YouTube channel na ng GMA-7 ang life story niya na itinampok sa Magpakailanman noong 203/
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results