Kylie Verzosa "kinilig" sa mga eksena nila ni Jaclyn Jose sa The Housemaid

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2021
Kylie Veroza (kaliwa), umaming kinilig sa mga eksena nila ng Cannes-winning actress na si Jaclyn Jose sa The Housemaid.
PHOTO/S: Viva Films

Isang kakaibang karanasan para kay Kylie Verzosa na nakatrabaho niya si Jaclyn Jose sa Philippine adaptation ng Korean movie na The Housemaid.

Mataas daw kasi ang respeto niya sa hinahangaang multi-awarded actress.

Ang The Housemaid ang psychological thriller launching movie ni Kylie.

Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Kylie nang tanghalin siyang Miss International sa beauty pageant na ginanap sa Tokyo, Japan noong October 27, 2016.

Limang taon na ang nakalilipas kaya hindi na naaalaala ni Kylie na pareho sila ni Jaclyn na naghatid ng karangalan sa ating bansa noong 2016.

Bago nagwaging Miss International si Kylie, si Jaclyn ay hinirang na best actress sa 69th Cannes Film Festival sa Cannes, France noong May 22, 2016.


Continue reading below ↓

Nangibabaw ang pagiging fan ni Kylie nang sabihin nito ang kanyang pasasalamat dahil nakatrabaho niya si Jaclyn sa The Housemaid, na exclusive na mapapanood sa Vivamax simula sa September 10, 2021.

Saad ni Kylie, “Yung makasama ko lang po si Miss Jaclyn and si Kuya Albert [Martinez], si Louise delos Reyes, and si Miss Alma Moreno, sobrang nakakataba ng puso.

“I’m eternally grateful and it’s such an honor talaga to be acting alongside them.

"Hindi niyo lang alam, sobrang kinikilig ako every time may scene ako with Miss Jaclyn.

"Sinasabi ko talaga sa make-up artist ko, ‘Uy, picturan mo ‘yan, bilisan mo.”

Pahayag ng beteranang aktres, “Thank you for the kind words, Kylie. I know this is your biggest break so I wish you all the best and good luck sa movie.

“Sigurado ako na magugustuhan ng tao yung pelikula kasi ibang-iba yung timpla niya, interesting to watch.”

Hindi lamang si Jaclyn ang nagpasalamat kay Kylie. Pinasalamatan din siya ni Roman Perez Jr., ang direktor ng The Housemaid, dahil ginawa ng dating beauty queen ang lahat ng mga mapangahas na eksena .

Continue reading below ↓

“Nakaka-proud! Ginawa niya ang lahat, talagang tumalon siya sa apoy para sa pelikulang ito.

"Maraming-maraming salamat kay Kylie dahil sa pagtitiwala niya," Roman.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Veroza (kaliwa), umaming kinilig sa mga eksena nila ng Cannes-winning actress na si Jaclyn Jose sa The Housemaid.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results