Mother Lily, behaved lang sa loob ng bahay kahit kating-kati nang lumabas

by Jojo Gabinete
Aug 19, 2021
Mother Lily Monteverde on her 83rd birthday: “Every year given to me by the Lord is a gift. Every birthday is a reason to celebrate because it means I’m still here. Because I have so much reason to leave, there are so many reason to love life."

Ang matapos na ang coronavirus pandemic para makita na niya nang personal ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Ito ang isa sa mga kahilingan ni Regal Entertainment, Inc. producer Mother Lily Monteverde na nagdiriwang ng kanyang ika-83 kaarawan ngayong Huwebes, August 19.

Isang virtual Thanksgiving Mass na pinangunahan ni Archbishop Socrated Villegas ang idinaos para sa birthday ni Mother Lily ngayong araw.

Hindi lumalabas ng bahay si Mother Lily mula nang magkaroon ng pandemya, maliban na lang kung may appointment siya sa kanyang doktor.

“By next month, sana we can see each other. Pinapahinto ako ng guwardya kapag nandoon ako sa guard house. Hindi ako pinapalabas,” sabi ni Mother.

Nakatira ang Regal matriarch sa isang exclusive village sa San Juan City na mahigpit ang security personnel dahil hindi nila pinapayagang makalabas ang mga senior citizen.

Kuwento naman ng anak niyang si Roselle Monteverde, “Kating-kati na si Mother to go out of the house talaga. She’s been behaving.

Continue reading below ↓

"This whole pandemic, nasa bahay lang siya, hindi lumalabas except to see doctors."

Maligayang-maligaya si Mother Lily nang makita nito sa Zoom gathering ang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan niyang dumalo sa virtual mass at nagbigay sa kanya ng mga birthday message.

Kabilang sa mga bumati kay Mother Lily ay ang original Regal Babies na sina Maricel Soriano, Snooky Serna, at Gabby Concepcion; ang veteran stars na sina Helen Gamboa at Susan Roces; ang talent managers na sina June Rufino, Dolor Guevara, at Malou Fagar; ang TV executives na sina Carlo Katigbak, Tony Tuviera, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, at Annette Gozon-Valdes; Senator Grace Poe, House Representative Loren Legarda, at Korina Sanchez.

Hiling din nilang magkaroon pa siya ng malusog na pangangatawan at mahabang buhay.

HOT STORIES

BIRTHDAY MESSAGE

Kasama ni Mother Lily ang asawa nitong si Father Remy at mga anak na sina Roselle, Dondon, at Grace sa kanilang tahanan sa San Juan City nang basahin niya ang kanyang 83rd birthday speech.

Continue reading below ↓


Mensahe ni Mother Lily: “Thank you very much for spending time on this very special day with me. Some people stop counting their age when their birthday arrives but that is not me.

“Every year given to me by the Lord is a gift. Every birthday is a reason to celebrate because it means I’m still here.

Continue reading below ↓

“Because I have so much reason to leave, there are so many reason to love life.

“First, you have your children, then your grand children. Then, you have your extended family as well as friends who have been there through the years.

“Second, you have the chance to make a difference. We are all here because we have a purpose and each birthday reminds me that I should fulfill that reason why I’m still alive and kicking.

“And lastly, I celebrate all the years that have come to pass. I celebrate this journey I call my life.

“Despite the difficulties of the times, I ask you to celebrate with me. We must always find a reason to be happy and true happiness can be found in the company of those we love.

“So on this very special day, my dearest friends and family, thank you! Thank you for finding the happiness in my birthday. Thank you for being a part of my wonderful crazy colouful and beautiful day.”

Continue reading below ↓

Tumugtog din ng piano si Mother Lily bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang quarantine birthday.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mother Lily Monteverde on her 83rd birthday: “Every year given to me by the Lord is a gift. Every birthday is a reason to celebrate because it means I’m still here. Because I have so much reason to leave, there are so many reason to love life."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results