Kim Molina, magiging leading man si JM de Guzman; Yassi, JC, Marco, at Ariella bibida sa More Than Blue

Viva Entertainment exec, nangakong arangkada ang bagong movies sa Vivamax.
by Jojo Gabinete
Aug 19, 2021
Inanunsiyo ni Viva entertainment executive Vincent del Rosario na siksik sa mga bagong pelikula ang online streaming platform na Vivamax. Isa sa mga aabangan ng manonood ay ang tambalan nina Kim Molina at JM de Guzman sa Adik Sa 'Yo. Magsasama sina Yassi Pressman, JC Santos, Marco Gumabao, at Ariella Arida sa More Than Blue.
PHOTO/S: Instagram

Arangkada ang paggawa ng pelikula ng Viva Films.

Ito ang ibinalita nina Viva Communications, Inc. President and COO Vincent G. del Rosario at Vivamax Chief Operating Officer Ronan K. de Guzman nang humarap sa mga miyembro ng press nitong Huwebes ng hapon, August 19.

Si Vincent ay anak ng founder ng Viva na si Vicente del Rosario Jr., o mas kilala bilang Boss Vic.

Inihain nila ang mga bagong proyektong mapapanood sa kanilang streaming platform:

Ang Barumbadings ay pinagbibidahan nina Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler, Jeric Raval, at Joel Torre.

May launching movie ang comedian na si Lassy Marquez via ang Ang Sarap Mong Patayin.

Ang Pinoy adaptation ng Korean movie na More Than Blue ay pagbibidahan nina Yassi Pressman, JC Santos, Marco Gumabao, at Ariella Arida.

Magtatambal ang real-life couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa hugot movie na Patungong Tayo.

Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Kim Molina at JM de Guzman sa Adik Sa ’Yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsasama sina Joem Bascon, Cindy Miranda, Kylie Verzosa, at Marco Gumabao. sa isang romantic drama, ang My Husband, My Lover.

Kasali rin sa Vivamax line-up ang Deception, ang reunion project nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto.

Tampok si Janno Gibbs sa superhero movie na Mang Jose.

Tampok sina Diego Loyzaga at Christian Bables sa Bekis On the Run.

Sa comedy movie na Shoot Shoot mapapanood naman sina Andrew E., Sunshine Guimary, at AJ Raval.

Magsasama sina Kim Molina, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan sa Zombie Apocalypse.

Ilulunsad sa pelikulang Manananggal na Nahahati ang Puso ang bagong Viva Princess na si Aubrey Caraan.

Bida sa 69+1 sina Maui Taylor, Janno, at Rose Van Ginkel.

Tampok sa Taya sina Sean de Guzman, AJ Raval, Angelica Khang, at Jela Cuenca.

Ang Philippine adaptation ng The Housemaid ang biggest movie break ni Kylie Verzosa.

Nagbabalik naman si Jao Mapa katambal si Rhen Escaño sa Paraluman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang 2017 Cinemalaya film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta, ay mapapanood din sa Vivamax.

HOT STORIES

VIVAMAX NOW HAS 600,000 SUBSCRIBERS

Pinasalamatan ni Vincent ang publiko dahil sa mainit na pagtanggap at suportang ibinigay sa Vivamax na inilunsad noong January 29, 2021.

Meron nang 600,000 subscribers ang online streaming platform sa loob ng walong buwan, at naging number one entertainment app sa Google Play.

"The past six months have been very exciting for us. Nagsimula kami noong January 29, 2021 and the past few months, nagulat kami sa milestones na na-achieve ng platform," ani Vincent.

Nagkuwento rin si Vincent tungkol sa kasaysayan ng Vivamax.

"We launched Vivamax last January 29 basically to fulfill Boss Vic’s dream of bringing entertainment directly to Filipinos here and abroad.

"And the idea to bring entertainment that can be enjoyed anytime, anywhere.

"Siyempre, maraming global platforms na ang present. Andiyan ang Netflix, nandiyan ang Viu, HBO, at marami pang iba na local companies and independent platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na-deter si Boss Vic para i-pursue ang dream naming ito."

Naging matagumpay raw ang paglunsad nila ng online streaming platform para sa mga pelikula ng Viva.

"Six months later, proud kami na i-share na ang Vivamax has already 600,000 subscribers.

"But more than that, I think testament yung success na ’to is yung pagiging number one ngayon ng Vivamax sa Google Play, in terms of entertainment apps.

"Number one po tayo ahead of other more established and longer staying streaming platforms, so salamat po sa suporta ninyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindi tayo umabot dito."

Ipinagmalaki rin ni Vincent na maraming foreign films na Tagalized ang mapapanood sa kanilang streaming platform.

"Nagsimula po kami sa Vivamax with 500 titles, mostly from our library and then in-augment namin ito ng originals and foreign contents, Hollywood, Asian, lahat po ito Tagalized.

"In fact, yung Asian, ang backbone nito ay the Korean movies. We have more than five hundred in our library.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa po na-introduce lahat, pero it’s the biggest aggregated content, in terms of Korean films. Unti-unti ho itong niro-roll out, eventually, makikita niyo po ‘yan sa Vivamax."

Sisigurihin daw ng kumpanya ng siksik ng mga bagong movie offerings ang kanilang platform.

"Ito po ang importanteng commitment ng Vivamax sa kanilang mga subscriber.

"Marami kasi in the past na I’m sure na-encounter n’yo na rin, may mga platform na nawala o kaya, hindi nag-work kasi after ng launch, wala nang introduction ng new titles.

"Karamihan are just recycled titles that are once available. May commitment kami na maglabas ng fifteen titles a week, if you compute that, that’s around 750 titles a year.

"It should be more by early next year. Yung pricing namin is very affordable, PHP49 for a one week plan, PHP149 for a month plan."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni Viva entertainment executive Vincent del Rosario na siksik sa mga bagong pelikula ang online streaming platform na Vivamax. Isa sa mga aabangan ng manonood ay ang tambalan nina Kim Molina at JM de Guzman sa Adik Sa 'Yo. Magsasama sina Yassi Pressman, JC Santos, Marco Gumabao, at Ariella Arida sa More Than Blue.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results