FIRST LOOK: Joel Torre as Mother Joy sa pelikulang Barumbadings

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2021
Joel Torre, gaganap bilang Mother Joy, isang sikat na fashion designer, sa pelikulang Barumbadings, na pinagbibidahan nina Baron Geisler, Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez, sa direksyon ni Darryl Yap

Hindi lamang sina Baron Geisler, Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez ang pumayag na gumanap na matatapang na drag queens sa Barumbadings dahil kasali rin sa kanilang "federasyon" ang veteran actor na si Joel Torre.

Mark Anthony Fernandez
Baron Geisler
Jeric Raval

Tinanggap agad ni Joel ang role ni Mother Joy, ang mentor at benefactor ng karakter nina Jeric, Baron at Mark sa Barumbadings, kahit kailangan din siyang gumamit ng wig, make-up at umarte na parang isang tunay na babae dahil ayaw niya na palampasin ang pagkakataon na makatrabaho ang young director na si Darryl Yap, ang sumulat ng kuwento at direktor ng pelikula.

Continue reading below ↓

Joel Torre

Para maging kapani-paniwala siya sa kanyang role, mismong si Joel ang nagprisinta kay Darryl na aahitin niya ang kanyang bigote at balbas pero hindi pumayag ang direktor.

Joel Torre

Continue reading below ↓

Bilang Mother Joy na isang sikat na fashion designer, motherly si Joel sa kanyang tatlong alaga na ipinakilala niya sa mundo ng beauty pageants.

'90s gay ang peg ng karakter ni Joel na inspired din ng pagkatao nina Ricky Reyes at RuPaul pero ang kaibahan lang, may balbas at bigote siya dahil maikukumpara rin sa role ni Al Pacino sa The Godfather ang papel na ginampanan niya.

Nag-enjoy si Joel sa lock-in shooting ng Barumbadings na mabilis natapos, pero sa November 5 pa ang streaming sa Vivamax ng kanilang pelikula.

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Torre, gaganap bilang Mother Joy, isang sikat na fashion designer, sa pelikulang Barumbadings, na pinagbibidahan nina Baron Geisler, Jeric Raval at Mark Anthony Fernandez, sa direksyon ni Darryl Yap
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results