Yassi Pressman, bida sa Pinoy movie remake ng More Than Blue

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2021
Yassi Pressman
Yassi Pressman, handa nang mag-shoot para sa Pinoy movie adaptation ng More Than Blue, na unang ipinalabas noong 2009 sa South Korea, at ginawan din ng Taiwanese adaptation noong 2018.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram

Ang Para Sa Broken Hearted ang huling pelikula na pinagbidahan ni Yassi Pressman noong 2018 at hindi na ito nasundan pa dahil naging abala na siya sa taping ng Ang Probinsyano.

Nagpaalam si Yassi sa action drama series ni Coco Martin noong January 2021, pero bago matapos ang kasalukuyang taon, babalik siya sa paggawa ng pelikula.

Kasali si Yassi sa cast ng Philippine adaptation ng More Than Blue, ang Taiwanese romance drama movie na mainit na tinanggap sa 23rd Busan International Film Festival na ginanap mula October 4 hanggang October 13, 2018 sa Busan, South Korea.

More Than Blue movie poster

Continue reading below ↓

Ang Taiwanese version ng More Than Blue ang remake ng 2009 hit South Korean movie na pinangunahan nina Kwon Sang-woo, Lee Bo-young at Lee Beom-soo.

More Than Blue Korean version

Si Nuel Naval ang direktor at sina JC Santos, Marco Gumabao at Ariella Arida ang mga makakasama ni Yassi sa Pinoy version ng More Than Blue.

May panahon na si Yassi para gumawa ng pelikula dahil malapit nang matapos ang unang season ng Rolling In It Philippines, ang Saturday night game show niya sa TV5.

Ang Rolling In It Philippines ang first ever hosting stint ni Yassi para sa isang game show at masaya siya dahil sinabi ng TV5 na ang kanyang programa ang number one game ngayon sa bansa.

Noong June 5, 2021 ang pilot telecast ng Rolling In It at ayon sa TV5, hindi pa natatalo sa ratings game ang madalas na trending na game show ni Yassi.

“Maraming-maraming salamat po, record breaking na naman ang ating ratings. Every week, we just go higher and higher kaya thank you po for the love and support,” ang tuwang-tuwang pasasalamat ni Yassi sa mga tumatangkilik sa kanyang game show sa Kapatid Network.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman, handa nang mag-shoot para sa Pinoy movie adaptation ng More Than Blue, na unang ipinalabas noong 2009 sa South Korea, at ginawan din ng Taiwanese adaptation noong 2018.
PHOTO/S: @yassipressman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results