Yassi Pressman sa pagpasok ni Julia Montes sa Ang Probinsyano: "Definitely a great move."

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2021
Yassi Pressman (left) on Julia Montes: "Sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes. Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don’t know what she did, but I’m sure it was great for her."
PHOTO/S: Viva / ABS-CBN

“Definitely a great move.”

Ito ang reaksiyon ni Yassi Pressman sa partisipasyon ni Julia Montes sa FPJ's Ang Probinsyano, ang longest-running action drama series ng ABS-CBN.

Si Yassi ang gumanap na love interest ni Coco sa Ang Probinsyano sa loob ng limang taon. Nagpaalam ang karakter niya noong January 2021.

Ang pagpasok ni Julia bilang bagong kapareha ni Coco Martin ang itinanong kay Yassi sa virtual media conference na naganap nitong Lunes ng hapon, August 23.

Pahayag ni Yassi, “I am so excited. Nung nakita ko, sabi ko, this is definitely a great move.

"Kasi po, sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes.

"Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don’t know what she did, but I’m sure it was great for her.

"And for her to be coming back sa Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat.

“I just wish them the best kasi alam ko po na kahit anong gawin ng Ang Probinsyano family, it will always going to be hard, pinag-isipan na mabuti at laging exciting.”

Continue reading below ↓

Conflict sa schedule ang ibinigay na dahilan ni Yassi sa kanyang pag-alis sa Ang Probinsyano.

ON NADINE LUSTRE

Ang Diary ng Panget, na ipinalabas sa mga sinehan noong April 2014, ang isa sa mga hindi malilimutang pelikula ni Yassi.

Dito kasi nabuo ang pagkakaibigan nila nina Nadine Lustre, James Reid, at Andre Paras.

Nang tanungin tungkol sa muling pagbabalik ni Nadine sa bakuran ng Viva matapos mabigong mapawalang-bisa ang kanyang exclusive contract, naging maingat si Yassi sa pagsagot.

Pero gusto niyang magkaroon ng reunion project ang original cast ng Diary ng Panget.

Aniya, “I have nothing to say. Hindi po ako kasali.

"But I love my Viva family and I love my friend Nadine, and I hope things get better.

"Actually, I don’t know what’s going on. Wala po akong masasabi."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman (left) on Julia Montes: "Sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes. Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don’t know what she did, but I’m sure it was great for her."
PHOTO/S: Viva / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results