Kiko Estrada, Kris Bernal, Teejay Marquez, iba pang ALV talents Regal babies na

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2021
Kiko Estrada, Kris Bernal, and Teejay Marquez are among the ALV Talent Circuit talents who signed an exclusive contract with Regal Entertainment, Inc.
PHOTO/S: ALV Talent Circuit

Kasama si Kris Bernal sa bagong batch ng Regal babies na pumirma ng exclusive contract sa Regal Entertainment Inc. noong Biyernes, August 20.

Matapos umalis sa GMA Artist Center ng GMA-7, lumipat si Kris sa ALV Talent Circuit, ang talent management company ni Arnold Vegafria.

Ito ang dahilan kaya isa siya sa mga hurado ng event ng Miss World Philippines 2021 noong nakaraang buwan.

Si Vegafria ang national director ng Miss World Philippines.

Hindi nag-iisa si Kris sa contract signing niya sa Regal Entertainment, Inc.

Pumirma rin ng kontrata sa movie outfit nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang labindalawang (12) alaga ng ALV Talent Circuit.

Kabilang dito sina Kiko Estrada, Teejay Marquez, David Chua, Mr. World Philippines 2019 JB Saliba, Julian Roxas, Carlo Galano, at RJ Agustin.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) David Chua, RJ Agustin, JB Saliba, Julian Roxas, and Carlo Galano

Regal babies na rin ang Miss World Philippines beauties na sina Daena Resurrecion, Katrina Llegado, Roan Tamondong, Casie Banks, at Shannon Kerver.


(L-R) Casie Banks, Shannon Kerver, Katrina Llegado, Roan Tamondong, and Deane Resureccion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa siya pumirma ng kontrata sa Regal noong Biyernes, tatlong pelikula na ang nagawa ni Kris sa film company nina Mother Lily at Roselle: Loving You (2008), Mag-Ingat Ka sa Kulam (2008), at Nandito Ako, ang launching movie ng love team nila ni Aljur Abrenica noong 2009.

Gaya ni Kris, nakagawa na si Kiko ng mga pelikula (Pwera Usog, Walwal, at My Fairy Tail Love Story) sa bakuran ng Regal.

Ang successful Boy Love series na Ben X Jim ang unang project ni Teejay sa movie company na nagpapirma sa kanya ng exclusive contract.

Pansamantalang naapektuhan ng coronavirus pandemic ang mga proyekto ng Regal Entertainment, pero tiyak na mapapanood sa kanilang mga gagawing pelikula ang bagong batch ng Regal babies na pinapirma nila ng mga kontrata.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada, Kris Bernal, and Teejay Marquez are among the ALV Talent Circuit talents who signed an exclusive contract with Regal Entertainment, Inc.
PHOTO/S: ALV Talent Circuit
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results