Christian Bables, nagpaliwanag kung bakit tumanggap siya ulit ng gay role

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2021
Sabi ni Christian Bables tungkol sa pelikulang Bekis On The Run: "Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi? That’s Direk Joel Lamangan." Gumanap na lover ni Christian si Sean de Guzman (not in photo) sa pelikula.
PHOTO/S: @christiaaan06 Instagram / Bekis On The Run trailer

Aminadong lubhang nalungkot si Christian Bables nang hindi matuloy ang kanyang mga proyekto noong 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Pero maayos siyang nakaraos, kaya malaki ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos.

"Awa naman ni God, malakas pa rin po yung family business namin. Our family owns Below The Line agency, it’s a company managed by my mom," saad ni Christian sa pag-aaring boutique ad agency ng kanyang pamilya.

May pinagkakaabalahan ding sariling negosyo si Christian, pero gusto raw talaga niya ang pag-arte.

Lahad ni Christian, "Ngayon po, I am trying to open a business—restaurant.

"Awa naman po ni God, medyo nasu-sustain pa naman po ako ng mga business na naipundar ko rin noon.

"Yung acting for me, kaya ko siya minahal kasi outlet ko ‘yon. Para akong gutom, para akong uhaw kapag hindi po ako nakakaarte.

"So, nung one and a half years na nag-lockdown po tayo, walang mga acting project, medyo na-depress ako nang konti.

Continue reading below ↓

"Yung mga pelikula ko na nakahilera sa schedule ko po, lahat po ay na-postpone because of the pandemic."

ON LANDING A TV PROJECT

Nagkaproyekto si Christian nang maging bahagi siya ng Your Face Sounds Familiar, ang Kapamilya reality show na umere mula February to May 2021.

"But God moves in mysterious ways. Ang galing naman ni God, ni-lead Niya ako towards Your Face Sounds Familiar.

"Na-discover ko na okey, masaya rin pala kumanta, mag-perform, sumayaw. Kaya ko rin pala.

"So, isa yun sa mga nagsalba sa akin, kumbaga."

Ikinuwento ito ni Christian sa virtual presscon ng Bekis On the Run nitong Martes ng hapon, August 24.

Ito ang unang pelikula na ginawa niya ngayong 2021, at ipalalabas ito sa Vivamax sa September 17.

ON WHY HE ACCEPTED ANOTHER GAY ROLE

Gaya sa kanyang mga nakaraang proyekto, gay uli ang karakter na ginampanan ni Christian sa Bekis On the Run.

Kontra ito sa kanyang binitawang salita noong 2017 na hindi muna siya tatanggap ng gay roles.

Continue reading below ↓

Pero ayaw palampasin ni Christian ang pagkakataong makatrabaho ang multi-awarded director na si Joel Lamangan.

"Napag-usapan namin before ng manager ko, si Tito Boy Abunda, na siguro, pahinga muna ako sa paggawa ng gay roles.

"Pero yung gay roles ang ayaw magpahinga sa akin. Parang gustung-gusto po nila ako," saad ni Christian.

Personal daw siyang pinili ni Joel para sa pelikula.

Ani Christian, "Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi? That’s Direk Joel Lamangan.

"Kahit siguro ang role na ibigay niya sa akin ay ipis, gagawin ko po, ma-experience ko lang na makatrabaho si Direk Joel Lamangan."


Continue reading below ↓

BEKIS ON THE RUN PLOT

Gumaganap bilang magkapatid sina Diego Loyzaga at Christian sa upcoming movie na Bekis On The Run.

Si Kylie Verzosa ang love interest ni Diego, at si Sean de Guzman naman ang lover ni Christian.

Iikot ang storya sa adventures ng magkapatid na sina Diego at Christian matapos nilang mang-holdap sa isang construction company.

Hahanapin sila ng pulisya, at magiging national issue ang insidenteng pangho-holdap nila.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ni Christian Bables tungkol sa pelikulang Bekis On The Run: "Masaya na ma-handpick ng isang Joel Lamangan para sa kanyang pelikula. Sino po ako para tumanggi? That’s Direk Joel Lamangan." Gumanap na lover ni Christian si Sean de Guzman (not in photo) sa pelikula.
PHOTO/S: @christiaaan06 Instagram / Bekis On The Run trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results