Jerald Napoles at Kim Molina, hindi ang couple vlogger na tinutugis ng BIR

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2021
Jerald Napoles on his YouTube channel with girlfriend Kim Molina: "Hindi pa po namin binubura ni Kim… kasi wala pa ‘yang 50 to 100 million. Pag meron na, burahin agad namen to save our relationship."
PHOTO/S: Screen grab from PEP Live

May pabirong reaksiyon si Jerald Napoles tungkol sa vlogger couple na tutugisin pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kahit binura na ng mga ito ang kanilang YouTube channel na may 11 million subscribers.

May YouTube channel din si Jerald at ang kanyang girlfriend na si Kim Molina, ang KimJe TV, na meron nang halos kalahating milyong subscribers.

Pero tiniyak ni Jerald na hindi sila ang vlogger couple na iniimbestigahan ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

“Hindi pa po namin binubura ni Kim… kasi wala pa ‘yang 50 to 100 million. Pag meron na, burahin agad namen to save our relationship,” biro ni Jerald sa kanyang Facebook post.

Napag-alaman ng BIR na ang mystery vlogger couple ay kumita ng P50 million hanggang P100 million sa loob ng nakalipas na dalawang taon mula sa kanilang YouTube channel kaya nakapagpatayo ng mansion at nakabili ng mga mamahaling sasakyan.

Naniniwala ang BIR na sinadya ng vlogger couple na burahin ang YouTube channel nila para makaiwas sila sa pagbabayad ng buwis sa government agency na seryoso sa paghahabol at paniningil sa mga social media influencer na kumikita ng milyun-milyong salapi.

Continue reading below ↓

Sa report ng Manila Bulletin ngayong Martes, August 24, sinabi ng mga source mula sa BIR na binura ng vlogger couple ang kanilang YouTube channel ilang araw matapos inanusiyo ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang pagtugis sa mga social media influencer na kumikita nang malaki mula sa iba’t ibang social media platforms pero hindi nagbabayad ng buwis.

Hindi pa tapos ang imbestigasyon ng BIR kaya hindi pa pinapangalanan ang vlogger couple.

Siniguro ni Dulay na hindi sapat na dahilan ang pagbubura ng vlogger couple sa kanilang YouTube channel para hindi sila sampahan ng kaso ng tax evasion.

Payo ni Dulay, maging tapat ang mga social media influencer sa kanilang income tax declaration para makaiwas sila sa demanda.

Self-employed ang kategorya ng mga vlogger na dapat magbayad ng 12 percent value-added tax kung tatlong milyong piso o mahigit pa ang kanilang kinikita sa loob ng isang taon.

Ang imbestigasyon at paghahabol na ginagawa ng mga tauhan ng BIR sa mga erring social media influencer ang isa sa mga dahilan kaya maingat na ang mga ito sa pagbabahagi sa kanilang subscribers ng mga house tour, pagbabakasyon sa mga five-star hotel, at pagmamalaki sa YouTube channels nila ng mga naipundar na ari-arian, tulad ng mga mamahaling sasakyan, sapatos, at bags.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on his YouTube channel with girlfriend Kim Molina: "Hindi pa po namin binubura ni Kim… kasi wala pa ‘yang 50 to 100 million. Pag meron na, burahin agad namen to save our relationship."
PHOTO/S: Screen grab from PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results