Watch Now

AJ Raval, sinuportahan ang baguhang sexy stars na sina Angeli Khang at Jela Cuenca

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2021
AJ Raval on Angeli Khang and Jela Cuenca: "Sina Angeli at Jela, sinusuportahan ko sila dahil alam ko ang feeling ng nagsisimula nang walang nagga-guide. Saka wala naman patalbugan na nangyayari..."

Naganap ngayong Miyerkules ng gabi, August 25, ang press preview ng ktx.ph para sa Taya, ang psychedelic erotic thriller movie na pinangungunahan nina Sean de Guzman at AJ Raval.

Napatunayan ng mga nanood ng Taya na totoo at hindi press release ang mga balitang mapangahas ang kuwento at mga eksena ng pelikula ng direktor na si Roman Perez Jr.

Ang Taya ang unang movie project ng mga aspiring sexy star na sina Angeli Khang at Jela Cuenca.

Gaya ni AJ, sina Angeli at Jela ay talents ng controversial manager na si Jojo Veloso na muling aktibo sa pagtuklas ng mga bagong artistang aalagaan at pasisikatin.

Agnes Khang ang tunay na pangalan ni Angeli pero pinalitan ni Jojo ang kanyang screen name dahil tunog santa at parang hindi makabasag ng pinggan.

Matinding nerbiyos ang naramdaman nina Angeli at Jela nang malaman nila ang mga mapupusok na eksena na kanilang gagawin sa Taya, pero hindi sila pinabayaan ni Direk Roman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon si Direk Roman ng acting workshops para kina Angeli at Jela kaya lubos ang pasasalamat ng dalawa sa direktor ng pelikula nila.

Parehong itinanggi nina Angeli at Jela na may nangyaring patalbugan sa set ng Taya dahil ang katotohanan, sinuportahan sila ni AJ na alam ang pakiramdam ng mga baguhang nagsisimula pa lamang ang acting career.

Saad ni AJ, “Sina Angeli at Jela, sinusuportahan ko sila dahil alam ko ang feeling ng nagsisimula nang walang nagga-guide.

“Saka wala naman patalbugan na nangyayari. Yung ginawa ko lang, para mag-stand out sa aming tatlo, nagpa-short hair lang ako.

"Kung anuman ang mangyari sa career nina Angeli at Jela, andito lang po ako. Susuportahan ko sila."

Pinaboran ni AJ ang sinabi ni Direk Roman na hindi dapat pakialaman ng MTRCB ang mga pelikulang napapanood sa mga local streaming site, tulad ng Taya, dahil walang regulation na ipinatutupad ang nabanggit na government agency sa Netflix na isang foreign company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on Angeli Khang and Jela Cuenca: "Sina Angeli at Jela, sinusuportahan ko sila dahil alam ko ang feeling ng nagsisimula nang walang nagga-guide. Saka wala naman patalbugan na nangyayari..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results